Kabanata 13

54K 1.9K 89
                                    


Damdamin

Nakatatak sa isip ko ang sinabi ni Leon. Kung sino 'raw na lalaki ang lalapitan ko papatayin niya. So , paano ako makakapunta kay Seth? Si Seth na naging mabuti sa akin at nahospital nang dahil sa akin! Paano ko ipapaliwanag kay Leon na gusto kong pumunta kung nagbabanta na siya? Kaya ko napagdesisyonang umalis nang walang paalam dahil alam ko ang isang Leon Monasterio!

Hapon na at kakarating ko lang sa bahay galing eskwelahan. Wala pa si Leon kaya naisip kong hanapin si James Felix. Nakita ko itong nasa gilid nang garden nakadapa at may tinitira. Huli ko na nakitang isang baril na laruan ang hawak nito.

Alam ko ang laruan na 'yon. Minsan ko nang nakita na nilalaruan ng ibang bata. May bala iyon na matigas at marami nang nahospital nang dahil sa laruang baril. Katulad nang, aksidenteng nabaril niya sariling tainga at pumasok sa loob ang bala kaya inoperahan ang bata. Meron ring tumalasik pabalik ang bala at natamaan sa mata.

"James Felix!"Lumapit agad ako sa bata kaya napatingin ito sa akin. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Sino nagbigay nang baril sayo James?"

"Mommy Sabrina gave this." nauutal ang boses nito.

Ngumiti ako. "Alam mo bang bawal iyan? Bata kapa di'ba? Dapat 'yung laruan mo mga lego or puzzles. Puwede rin basketball."

"But I like guns." giit nito at nangunot ang noo.

"Angelica, hayaan mo na ang bata. " biglang sumulpot si Sabrina sa aking likod. Tumayo ako sa pagkakayukod.

"Pero delikado 'yan di'ba?"

Humalakhak si Sabrina. "Alam mo kilala ko na si Leon at James noon pa. Father like son nga naman kasi mahilig sa baril na laruan si James , actually, marami na siyang laruan na baril na nabigay ko. "

Natahimik ako. Parang nawalan ako nang karapatan. Shit, nahihibang na talaga ako. Wala nga pala akong karapatan at bago lang ako dito.

Ngumiti ako at tumango. Pinagmasdan sila Sabrina na naglalaro ni James Felix.

Huminga ako nang malalim at unti unti silang tinalikuran. Napagpasyahan ko nalang na magluto. Hinanda ko yung ingredients para sa tinolang manok. Kami kasi sa bahay kadalasan ang ulam ay tinolang manok, missua na may itlog, ginisa na munggo.

Habang inihahanda ko biglang dumating si Sabrina. "Anong lulutuin mo Angelica?" tanong nito.

"Uh tinolang manok."

"Wow! Gusto ko rin sanang magluto 'pwedeng paturo?"

"Oo naman!"

Nagsimula narin itong maghanda nang sarili niyang lulutuin. May mga katulong na gustong tumulong pero hindi na kami pumayag. Si James Felix nalang ang binantayan nila.

Nilagay ko ang ibang sangkap sa aking niluluto nang tinanong ako ni Sabrina.

"Angel ano nga pala 'yung uri na tomatoe sauce na magandang ilagay sa menudo? Tsaka gaano karami?"

"Sa probinsya samin kahit ketchup oks na!" humalakhak ako.

"What?!" nagimbal ito.

Tumango ako. "Yup! Pero maganda yung Del Monte Tomatoe sauce. Ibuhos mo yung kalahati at wa'g nang lagyan nang tubig para masarap ang lasa. Gisahin mo muna yung karne ha?"

Tumango ito at nagluto narin nang sarili niya.

"Ay, Angel, puwede pakikuha naman saglit nang cellphone ko sa garden? Naiwan ko yata sa bench doon.Please."

Pakiusap nito sa akin dahil malapit narin namang maluto ang tinolang manok ko.

"Sige, paki-asikaso nalang ng niluluto ko ha?"

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now