Kabanata 25

61.3K 2.1K 230
                                    




Nawalan ng toniladang bigat ang aking pagkatao. Inalala ko lahat, noong una kong nakita si Leon ng magka amnesia ako. Noong hinalikan niya ako sa elevator.Kaya pala napakapamilyar ng kanyang mga haplos. Nang makita ko si James Felix, kaya pala, kaya pala.

Mag eeighteen na ako sa susunod na buwan ,ibig sabihin magtatatlong taon narin si James.

Samu't saring emosyon ang dumayo sa aking dibdib ng papalabas na kami sa sasakyan ni Leon. Tiningnan ko ang malawak at matayog na mansyon. It's like a deja vu. Dahil bumalik ang aking alaala ,naalala ko narin ang aming mga nakaraan ni Leon dito sa mansyon.

Leon sacrificed too much. Walang wala ang pagsukli ko ng pagmamahal sa klase ng pagmamahal na binibigay niya sa akin. Gusto ko iyong tugunan ng kasing lalim at lawak ng pagmamahal niya sakin. Gusto kong ibalik na magkasing intensidad katulad ng pagmamahal niya.

Kung hindi dahil sa kanya ,wala na ako. Sino ang taong isasakripisyo ang pamilya para sa babaeng mahal niya? Si Leon iyon. Kung ako sa posisyon niya mahihirapan ako ng sobra. Hinalikan ni Leon ang aking balikat at hinawakan sa baywang.

"He's in the pool area,come on." He whispered.

"K-Kinakabahan ako." Naluluha ang aking mga mata.

"You're tough , sweetheart. Saksi ako sa pagiging matatag mo. Our son is waiting."

Tumango ako at tipid na ngumiti. Hinawakan niya ang aking kamay at mahigpit iyong kinapitan. Tila doon ako humuhugot ng lakas ng loob.

Sa pool area ay nadatnan namin ang aming anak. Kasama ang sariling yaya nito at naglalaro ng baril barilan.
Nanginig ang aking labi at dumaloy ang luha.

Niyakap ako ng mahigpit ni Leon.
"James Felix is our son,sweetheart. I saved him.Pero hindi kita naisalba. I'm so sorry."

Umiling ako at hinawakan ang panga niya. "May rason ang lahat Leon. Hindi kita sinisisi." Ngumiti ito tila naaaliw sa akin.

"D-Dad-dy!" Pareho kaming napatingin ni Leon sa sigaw ni James.
Tumakbo ito patungo samin. Hindi ko maiwasang ngumiti pero may luha, kahawig na kahawig siya ng kanyang ama.

Saglit itong huminto ng makita ako katabi ng papa niya. Bahagya akong kinabahan, alam kong matagal akong nawala at ayaw niya sakin. Hindi ito sanay sa aking presensya.

Yumuko nalang ako at umiwas, dinamdam ko ang sakit. Unti unti akong umangat ng tingin at nakitang nagpatuloy ito sa paglapit saamin at halos mamilog ang aking mata ng yumakap ito sa aking kandungan.

"I miss you, mama."

Sa pagkakaawang ng aking labi nakita kong tumingala si Leon at napakagat labi. May ngisi sa labi nito at bahagyang namumula ang mga mata ng magmulat.

"You came back m-mama." Napatingin ulit ko kay James at hindi nagdalawang isip na lumuhod para yakapin siya.

"O-Oo anak.Hinding hindi na aalis si mama. Mahal na mahal ka ni mama. Hindi na ako aalis, pangak-ko."

  Binubud ko lahat ng oras  sa aking anak. Kung noon parang may puwang sa aking dibdib habang minamasdan lamang siya, ngayon, pupunan ko na kung anuman ang puwang sa aking dibdib. Pupunan ko ng alaala ang aming bawat oras. Hinding hindi ko na sila iiwan ni Leon. They are my life now. Wala na akong ibang gagawin kundi suportahan si Leon sa lahat. Ibabalik ko lahat ng tulong at pagmamahal. Susuportahan ko siya sa kanyang trabaho at mga plano. Hindi ako magiging sagabal sa mga plano niya sa organisasyon dahil alam kong iniwan iyon ng kanyang ama sa kanya, sa kanila.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now