Kabanata 8

61.8K 2.2K 76
                                    

Duwag




Wala sa sariling lumisan ako ng eskwelahan. Wala rin sa sariling pag iisip nang sumakay ng jeep at pumunta sa condo nila ate Celine.

Dalawang rason kung bakit andito ako ngayon. Dahil alam kong dito mismo sa condo tower nakita ko si Leon. He kissed me inside the lift. I met him inside the lift and I wish makita ko siya ulit dito. Pangalawa,kailangan ko rin ng pera lalo na may kelangang bayaran si Lola na utang.

Naisip ko na rin mag part time job. Hindi ako puwede mag bantay ng anak ni Ate Celine dahil hindi puwedeng isabay sa oras ko sa aking klase.

Halos hindi kayanin ng aking isipan ang nangyari kay Seth. Kahapon lang hinatid niya pa ako. Kahapon lang, okay kami. Kahapon lang nag uusap kami tapos biglang ganito?

Tumindig ang balahibo ko ng may imaheng dumaan sa aking isipan. Leon holding a gun while Seth was unconscious and bathing with his own blood.

Lumipas ang oras at gumabi na. Kanina ko pa gustong gusto hilahin ang kamay ng orasan para bumilis ang pag usad nito.

I am expecting him tonight. Sana huwag akong mapalso. I want to talk to him. Kelangan kong tanungin at sabihin lahat ng gusto ko.

Tinanggap ng aking kamay ang tatlong libo na binigay ni Ate Celine. "Gusto mo ba tatawag ako ng grab para maihatid ka pauwi?"

Umiling ako habang nilagay sa bulsa ang pera. "Wag' na ate Celine. Kaya ko naman 'tsaka may bibilhin pa ako."

"O, sige.Basta mag-ingat ka. Salamat talaga ha."

Halos masuka at mahilo ako ng sumobra ang kalabog ng dibdib ko pagkalabas ng unit nito. Alam kong andito siya, sana nga..

Nasa elevator na ako at malapit na sa floor na lalabasan ko.Hindi parin ito nagpaparamdam. Umi-expect akong bubukas ang pinto nito at papasok ang taong inaabangan ko.

Hindi ako makampante nang umapak sa tamang baitang ang elevator na walang Leon na nagpapakita.

Duwag! Isa siyang duwag!

Umakyat yata sa utak ko ang init at galit. Binalikan ko ang elevator at pinindot iyon pabalik sa itaas.Inaantay ko ang pag bukas pero wala parin. Pinindot ko ulit pababa ,wala parin!

Hinawi ko ang mahabang buhok na nagbigay iritable sa akin. Inayos ko ang salamin sa aking mata.

Suko na ako. Siguro may trabaho siya ngayon. Siguro hindi siga magpapakita sa akin ngayon.

Tinatahak ko palabas ng condo nang sa labas nang babasaging dingding may humintong magarang sasakyan.

Nakuha n'on ang atensyon ko lalo na nang makita ang tatak na kabayo sa harapan nito. Aston Martin!

Nahugot ko ang hininga nang lumabas doon si Leon. Tila isang mahika na nasa akin agad ang tingin nito.

Tila isang magnet na dumikit agad sa gilid niya ang mga naka black suit na mga kalalakihan. His body guards.
Fucking body guards dahil duwag siya!

My blood boiled for some reasons. Ang mga paang unti unting lumalapit sa kanya ay naging mabilis ang kilos.

Naluluha ko siyang nilapitan nang kumalat sa aking sistema ang emosyon na kanina ko pa nararamdaman.

Naningkit ang mga mata niya sa akin. Tila hangin ang mga hakbang ko nang nilapitan ko siya at agad umigkas ang aking palad sa guwapo nitong mukha.

Awtomatiko ang naging kilos ng body guarda niya para itulak ako pero isang tingin niya lang umatras ang mga ito.

Wala na akong pake kung may nagbubulong bulongan at tumingin sa amin.

"Duwag ka!" Nanggagalaiti ko na sigaw rito. Lumabo ang aking mata dahil sa luha at pinagsasampal ito.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now