Kabanata 20

54.3K 1.7K 46
                                    

Throwback part 1

I am enjoying my second year in high school. Lahat ng gusto ko binibigay ni papa. Worth million of bags, bling blings, branded phones at hindi ko ikakaila na nagwawaldas ako ng pera gamit ang gold card ni papa.

Nakangiti ako nang dumating sa bahay pero napawi iyon nang makita kong umiiyak si ate Sabrina palabas sa office dito ni papa. Sa sobrang iyak niya hindi na niya ako nakita.

"Ma'am Angelica-"

"Shut up." Pinutol ko agad ang anumang sasabihin ng aming mayordoma. Gawd! Hindi na ba siya nababagot sa araw araw na pagbungad niya sakin at kukunin ang bag ko? Kasi ako nauumay na e.

Yumuko ito at umalis sa aking harapan.

Aakyat na sana ako sa hagdan ng lumabas ang isang lalaki mula sa office ni papa. Ngumuso ako nang nakipagkamayan ito kay papa bago umalis.

I used to admired my sister. Siya iyong tipong magugustuhan ng lahat na lalaki. Matalino, mabait, napakaganda at maganda rin ang katawan. Sino ang hindi mahuhulog ang loob sa isang Sabrina Muega?

Nagawa ko na ang dapat gawin sa aking sarili bago ako pumasok sa kuwarto ni ate. I am wearing a silver dress. Mas sexy kaysa sa dress ni ate n kulay black.

Akala ko tapos na ito sa pag aayos ng kanyang sarili pero nakita kong nakatulala lang ito sa salamin.

"Ate?"

"H-Huh?" nabigla ito sa aking pagtawag.

"Aalis na tayo sabi ni mama at papa."

"Susunod ako." Bulong nito. Napairap ako at niyakap siya mula sa likod.

"Come on ate. Titingnan pa natin tonight kung sino sa atin ang pinakamaganda."

Umiling ito at niyakap ako. "Mas maganda ka Angel. I'm sure pag laki mo magiging possessive ang boyfriend mo sayo."

"Yes ofcourse." pag sang ayon ko dito.

Tinulungan ko si ate mag ayos ng kanyang sarili. Habang nilalagyan ko siya ng kwentas may nakita akong kakaiba sa kanyang leeg.

"What's this ate?"

Agad niyang tinakpan ang leeg. "W-Wala to. Nakagat lang ng insekto."

"Put some lotion ate. Baka masira ang kutis mo."

Tumango ito sa akin.

Ngayon lang kami dadalhin ni papa sa isang auction. Sila lang palagi ni mama ang magkasama sa mga events pero ngayon sinama niya kami ni ate.

Niyayakap ko si mama habang lulan kami ng limousene.

"Mama sino ang maganda sa amin ni ate?" tumawa ng bahagya si mama sa aking tanong. Pa naka naka kong tinignan si ate na sobrang tahimik lamang.

"Siyempre kayong dalawa. Pareho kayong maganda kasi mana kayo saakin."

"Pero mas maganda si ate mama. I like her boobs. It's bigger than mine mama."

Pinisil ni mama ang aking pisngi. "Pag laki mo ganyan rin sayo maghintay ka lang."

"I can't wait mama."

"Wa'g pilitin ang hindi pa sa tamang oras anak. Kasi pagpipilitin magiging komplikado."

Pareho kaming nasinghap lahat biglang nagpreno ng malakas ang limousene. Nakita kong nauntog si ate at may dugo ang noo.

"P-Pablo!" si mama at niyakap kaming dalawa ni ate. Nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata.

"Walang lalabas!" Sigaw ni papa at lumabas. Nakita kong nakipag palitan siya ng putukan sa labas. Dumami ang  sasakyan na nakapalibot sa amin. Nakita kong may tauhan si papa na nakikipagpalitan rin ng putok.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now