Kabanata 29

60.1K 2.1K 144
                                    

     Hindi ako naging ganito kakuntento at tahimik sa buong buhay ko. Ang liwanag ng araw ay unti unting lumubog habang papadilim na ang paligid. Lumabas ang anino ng araw sa pamamagitan ng karagatan.

   Ang lumang mansyon dito ay merong matibay na pundasyon kaya siguro kahit sa lumipas na panahon ay hindi ito nasira. Ang malawak na sala ay merong kulay cream na interior. Merong magarang chandelier, at makinis na hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Nalalatagan ang hagdan ng kulay abo na carpet. Sa gilid ng malawak na sala ay isang mahabang mesa.

  Ngumiti ako ng nakapasok ang iilang ibon sa loob. Huni ng mga ibon,ihip ng hangin at ingay ng dagat ang maririnig mo sa lugar na ito. Sa hindi kalayuan ng mansyon ay ang naglalakihang korales, mga naglalakihang bato at rock formations na may iba't ibang hugis.

  Inayos ko ang hawak na cannon camera. “Ma, where's papa?" James Felix asked.

 
  Medyo pa utal-utal pa ito sa pag salita. Hinawakan ko siya sa buhok at ginulo ‘yun.

  "Nasa labas na...how's my baby sleep?"

  "Fine...just a bad...bad dream...mama.." sagot nito sakin at magkasabay kaming lumabas. I'm wearing a crocket dress, inside my dress is my red two piece. I'm excited to get along with the two girls.

  "Anong dream naman iyon?" malambing na tanong ko.

  Felix shrugged his shoulder. "I don't remember mama.."

  Lumuhod ako sa harapan nito. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat. My eyes filled with tears with some reasons. Masaya ako dahil mayroon akong anak na si James Felix, masaya ako dahil mayroon akong Leon Monasterio. Sino kaya ako kung wala sila sa buhay ko ngayon?

  "Alam mo ba...anak. Sa ‘twing natutulog tayo nagkakaroon tayo ng temporary death?" kwento ko dito.

His almond eyes widened. "Really?" he gasped.

Tumango ako, "Yes anak. Kaya iyong mga napapaginipan nating lugar..iyon yung mga pinupuntahan ng ating kaluluwa ‘twing tulog tayo. Yung mga taong kausap natin sa ating panaginip..yun ang mga taong tulog rin sa oras na iyon na nakakasalumuha natin. Pero ‘wag masyadong paengganyo sa panaginip anak...kasi’ minsan may mga taong habang buhay nang nanatili sa kanilang panaginip..”

  "That’s cool!" he smiled widely. Umiling iling ako. Sometimes my son is really weird and creepy. Manang mana sa ama.

  Nang lumabas kami, the sun was already set. May ilaw na bawat poste. Napangiti ako ng makita si Leon na naka topless habang walang hirap na kinarga ang isang cooler na malaki at nilapag sa buhangin, sa gilid lamang ng barbecuehan.

   May malamig na hangin ang sumakop sa aking dibdib at tiyan. Parang hindi ako makapaniwala. Ang mga taong sanay ako na makitang nasa misyon, bakbakan,barilan...ay nasa harapan ko ngayon na parang mga simpleng tao lang. Walang arte, walang habas ang pag tawa kasama ang mga mahal nila sa buhay.

  Si Maria Isabella ay nakasuot ng vintage dress. Sumasayaw ang mahaba nitong buhok dahil sa hampas ng hangin mula dagat. Si Bloom at Diego naman ay nasa cottage na may videokihan. Nakahalukipkip si Diego at nakikinig sa kapatid na nagsasalita.

Napasinghap ako ng mabasa ako ng tubig. Binaril pala ako ni James Felix ng watergun!

"Let's swim mama!"

Umiling ako, "No, Felix. Pagabi na. Baka ubohin ka."

A hugged envelope my body. Naramdaman ko ang halik ni Leon sa aking buhok.

"Go on son.." sinenyas nito ang dagat sa anak namin.

"Leon! Baka ubohin ang bata!"

  "My son is not weak, Angelica." tanging sabi nito. Naamoy ko amoy ng beer sa hininga nito. Doon ko natanto na umiinom na ang tatlong lalaki bago kami dumating.

Protect What's His (Mafia Series 2) Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن