Kabanata 24

55.2K 2K 138
                                    

  
Humagulhol ako nang maalala ang lahat.Kaya pala 'ganon nalang ang tibok ng puso ko ng una ko siyang makita.Kaya pala may stretch marks ako.

Ang kinilala kong lolo ay siya palang tauhan ni papa na humahabol sakin. Hindi niya ako pinatay,binuhay niya ako pero hindi niya nakuha ang anak ko. Nakuha ni Leon si James Felix na mag isa sa sasakyan bago sumabog.

God!

  Inalagaan ako ni lolo na parang tunay na apo. Ang bait bait nila sakin. Alam ko na ang gusto niyang sabihin sakin sa kanyang kahuli hulihang hininga.

  Pareho kaming napasinghap ni ate nang tapunan kami ng tubig mula sa balde ng lalaking tauhan ni papa.

"Gising na! Magtatrabaho pa kayo!"

Kumikirot ng aking mga sugat. Kapwa kami nakalubid ni ate. Hinila kami ng dalawang lalaki at padaskol na sinilid sa isang kuwarto.

"Maligo kayo at may damit diyan! Magmadali!"

Kinalagan kami nito ‘tsaka lumabas at nilock ang pinto sa labas. Nagkatinginan kami ni ate.

Niyakap ko ito. "Ate, natatakot ako. Anong gagawin nila satin?" Nakita kong may nakalatag na kulay itim at pulang dress sa kama.

"Ito ang pinapagawa sakin ni papa noon, Angel. Papagamit 'nya tayo sa mga katulad niyang halang ang kaluluwa para sa mga droga."

Nasapo ko ang bibig at umiyak. "Oh my god."

Hinawakan nito ang aking pisngi.
"Ako ang bahala. Aalis tayo."

May hinagilap itong isang bagay. Tumigil ito ng makita ang isang picture frame ng bulaklak. Binasag niya ito at ang matulis na bahagi nito ay kinuha niya. Binigay nya sa akin ang isa habang sa kanya ang isa.

"Lalaban tayo Angel." pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Tumango ako at kinuha ang matulis na bahaging basag.

Natapos na kami sa dapat gawin. Naligo kami at nagbihis. Hapit na hapit ang dress na ito sa aming katawan. Malamig ang aming ekspresyon ng buksan ng tauhan ni papa ang pintuan.

Sumipol pa ang dalawang tauhan habang hinagod kami ng tingin. Nairira ako pero hinayaan ko na.

Habang naririnig ko ang yapak ng aming takong ang siya ring paglakas ng tibok ng aking puso.Malapit na kami sa isang pinto nang hampasin ng lalaki ang aking pwetan.

"Fuck!" Napamura ako. Mabilis ang aking mga galaw. Kinuha ko ang basag na bahagi ng frame sa aking hita na nakaipit sa lubid at tinusok sa dibdib ng lalaking humampas sa aking puwet.

Ganon’ rin ang ginawa ni ate. Nakita kong tinadyakan niya ang lalaking duguan rin sa dibdib at diniin ang matulis na bagay sa dibdib nito gamit ang kanyang sandal.

Tumba ang dalawang tauhan. Mabilis naming binunot ang mga baril nila na nakasabit sa kanilang gilid.

Kinasa namin iyon habang maingat na naglalakad. Habol ang aking hininga at nangangatal ang mga kamay, sinilip ko ang dulo at lumaki ang aking mga mata nang makita kami ng apat na paparating.

Binaril ni ate ang dalawa sapol ito sa binti. Gumulong ako sa kabilang bahagi at nakipagpalitan ng putok nang makapwesto,natamaan ko ang dalawa sa dibdib at ulo.

"Good job, Angel." Ate whispered.

Tumakbo kami sa pinagmumulan ng liwanag. Sinipa ni ate ang pintuan , handa na sana kaming tumakbo ng mabilis.

"Fuck! Nasa barko tayo!"  Bumungad samin ang napakalawak na karagatan.

Napasabunot nalang ako sa aking buhok at umiyak. Pareho kaming nawawalan ng pag-asa. Tatlong beses na pagpalakpak  ang nagpatingin sa amin ni ate sa kaliwa.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now