Kabanata 12

57.2K 2K 61
                                    


Chapter 12
Warning


Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib, maging sa aking pagkatao. Parang nabibitin ako sa ere. 'Yung panaginip ko at ang mga nangyayari parang nasa ere at hindi ko maapuhap kung ano ito.

Nagising akong mag-isa. Ilang sandali ako nakatunganga at iniisip ang mga unang gagawin. Nagiging bahay tao pa ako ngayon lalo na't hindi ako sanay sa ganito. Malambot na kutson, marmol na sahig at may aircon. Malaki rin ang kanilang bathroom. Ibang-iba sa nakasanayan ko.

Nang maisip ko ang bathroom naexcite ako bigla. Kagat kagat labi kong binuksan ang aparador at pumili nang mga damit. Pikit mata ko itong kinuha.Ayaw kong tingnan ang mga presyo nito. Alam ko kasing mamahalin kahit simpleng t shirts lang ito.

Papasok na sana ako sa banyo nang may kumatok sa pinto.

"Ma'am Angelica! Ako na po ang magpapaligo sa inyo." biglang bungad nang isang katulong sa akin na ikinamulagat ko.

"Ha? Wa'g na po! Malaki na ako!" Natatawa akong kinamot ang buhok.

"Pero ang sabi ni Ser Leon po-"

"Sabihin mo bababa na'ko pagkatapos kong maligo." hindi ko naito binigyan nang pagkakataong sumagot pinagsarhan ko na siya nang pinto.

Nagbabad ako sa bath tub at binuhos ang lavender moisturizer sa aking katawan. Napangisi ako. Maganda rin pala ang ganito, nakakaexcite gumamit nang gamit pang mayaman.

Tinanggal ko ang salamin sa aking mata kaya hindi malinaw ang aking bisyon. Pero hindi iyon naging hadlang para mag enjoy ako sa mainit na tubig sa bath tub.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Leon na nakakunot ang noo. Nilubog ko ang katawan sa tubig at pilit inabot ang aking salamin.

Narinig kong bumagsak iyon sa baldosa na sahig at ang siyang paglapat nang pinto. Lumapit si Leon sa akin at yumukod para mapulot ang salamin.

Marahan niyang nilagay iyon sa aking mata. Pakiramdam ko nagpipisikan ang mga bulate ko sa aking tiyan.

Ngumiti ako sa kanya na hindi niya sinuklian. Kunot noo itong nakatingin sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"Kailan kalang nagsalamin?" tanong nito.

"Nakasanayan ko nato' noon pa."

Tumango ito. Kinuha nito ang tuwalya at pinatayo ako. Awkward ang aking nararamdaman habang nandiyan siya na naghihintay sa akin matapos ang pagbibihis.

Sa hapag kainan hindi ko matanggal ang mata sa kanyang anak. Walang tapon. Magkamukhang magkamukha sila. Ni hindi rin marunong ngumiti itong batang 'to.

"Daddy I want a gun."

Tumango si Leon at ngumisi. "Yes big boy kung malaki kana, I'll teach you how to handle it."

Hindi ako pabor sa sinabi ni Leon pero nanatili akong tahimik. Nasa harapan ko silang dalawa kaya malaya ko silang natitingnan.

May nararamdaman akong alapaap pero hindi ko mapoint out kung ano.

"Good morning!" bati ni Sabrina na may dalang isang box na laruan.

"Wow! Astrauboy!" si Felix at dinamba ng yakap si Sabrina. Nawala yung alaapap na aking nararamdaman at natunaw ang aking ngiti. Hindi ko matanggal ang aking mata habang magkayakap si Sabrina at Felix.

"Baby. . ." Hinawakan ni Leon ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. May kung ano sa mata nito na hindi ko maintindihan. Tila nangungusap, maraming salita sa mga mata nito at hindi ko iyon malaman kung ano.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now