Challenge # 05

75.3K 3.6K 934
                                    

Bwisit

Cinderella's

"Uy, nandito na tayo!"

I parked the van in front of our house. Sinigurado ko munang walang makakasunod sa amin kasi delikado, baka mamaya makilala nila ako tapos masundan nila ako rito sa bahay namin, delikado sila na mapunta sa bahay namin kasi naroon si Daddy.

"Hoy!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala nang malay si Putang Ina sa gilid. Nakalaylay na ang kamay niya tapos dugo lang nang dugo ang likod niya. Putlang – putla na siya. "Hoy! Hoy! B.F! Hoy!" Sinampal – sampal ko siya pero wala siyang reaksyon. Putang ina, patay na yata siya. Kabang – kaba ako. Napakagat pa ako sa aking labi. I need to get some help. Bumaba ako ng van tapos ay tumakbo paikot sa kabilang side. Binuksan ko ang pinto ng kotse sa side ni Bruno. Lumalaylay na naman ang kamay niya. Napasinghap ako. Malaki siyang tao, matangkad siya. Hindi ko alam kung paano siyan bubuhatin kaya ginawa ko iyong mas madaling paraan.

Hinawakan ko siya sa dalawang paa niya pagkatapos ay hinatak ko siya palabas ng van. I am dragging a bloody but still warm body across the street inside my house. Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Kailangan matanggal noong bala sa likod niya baka mamaya mawalan na siya ng dugo.

Nakakainis kasi, hindi niya man lang nakita ang timezone driving expertise ko. When I got inside, I am still dragging him. My mother will kill me if she sees the blood across our living room. He's still unconscious. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa silid ko, papagalitan ako ni Daddy. Bawal ang lalaki sa room ko, kaya dinala ko siya sa itaas – sa guest room. Ang bigat niya. Dahan – dahan ko siyang inakyat sa hagdanan – hatak ko pa rin ang paa niya tapos iniingatan kong mabunggo ang ulo niya, baka kasi magka-head injury siya.

Finally, nakarating kami sa guest room. Hindi ko nga alam kung paano jko siya nailagay sa kama, basta duguan siya roon, namumutla.

"Putang ina, papatayin ako ni Mommy! Ang daming dugo!"

Lumabas muna ako ng kwarto at naghanap ng tulong. Mamaya papupuntahin ko si Violet dito. Ma-stress siya, maglilinis iyon. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ate Aurora pero bago ko pa man iyon mailagay sa tainga ko ay bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Ate Sam at Ate Aurora, kasunod nila si Kuya Red na may dalang baril at madaling – madaling isinara ang pinto.

"Cinds! Are you okay?! Why is there blood everywhere?!" Frantic na frantic si Ate Sam.

"Basta magpapaliwanag ako mamaya. Ate Orang dalian mo! May mamamatay na!" Hinatak ko agad ang kamay niya paakyat sa itaas. Napatingin ako kay Kuya Red, napansin kong may dala siyang Mcdo bag kaya binalikan ko iyon, sure naman akong para sa akin iyon. Muli ay kinuha ko ang kamay ni Ate Aurora at dinala na siya sa guest room kung nasaan si B.F.

"Cinderella?!" Sigaw niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. "Boyfriend mo?! Does Daddy know?!"

"Feelingera ito! H'wag moa ko itulad sa'yo, hindi ko siya boyfriend. Bale magkakilala lang kami tapos hindi naman kami close pero kasi Ate mamamatay na siya may tama siya ng baril oh!"

"What's happening?" Ate Sam came in. "Oh my god, sino naman iyan?!"

"Siya si B.F. Bruno Fernando yata. Putang Ina kasi ang tawag ko sa kanya. Anyway, kailangan niyang magamot." Wika ko sabay kuha ng French Fries. Nilapitan siya ni Ate Aurora at hinipo sa noo. She looked at Ate Sam.

"Ate, pakitawagan naman si Rocheta."

"Alright. What are we gonna do with the blood outside? Makikita ni Mommy iyon."

I looked at her. "So, it's noticeable huh?"

"What do you expect, Leona?!" Sigaw ni Ate Sam sa akin. I pouted my lips. Nagugutom na ako kaya kinain ko nang kinain iyong French Fries ni Kuya Red. Hindi nagtagal ay dumating si Ate Rocheta, may dala siyang "tools."

GorgeousWhere stories live. Discover now