Challenge # 10

69.3K 3.5K 534
                                    

Twins

Cindy's

Hindi naman ako sinundo ni Bruno. Akala ko talaga, tutuparin niya ang sinabi niya. Kamuntikan na nga akong ma-late. Buti na lang at dumating si Kuya Red at nagdala siya ng pagkain kay Daddy, sumabay na ako sa kanya, kasi sabi niya malapit daw sa school ko iyong meeting niya sa client niya. Na-traffic pa kami kaya lalong hindi na ako makakapasok sa first period ko. Buti na lang naipirma ako ni Jazel sa attendance. Hindi naman major subject iyon at hindi raw napansin ni Sir Quicho na wala ako sa klase. Kaya kahit late ako, hindi pa rin ako absent.

Naisip ko lang, bakit naman siya mangangako sa akin na susunduin niya ako tapos hindi naman pala siya darating. Tapos sinubukan ko siyang tawagan kanina, nag-ring lang. Nag-text pa ako sa kanya tapos wala naman siyang reply. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko kapag sinagot naman niya ang tawag ko. Saka ano ba kaming dalawa? Mag-jowa na ba kami? Kasi parang wala naman kasi kaming pinag-usapan.

Napabuntong – hininga na lang ako.

"Ang lalim noon ha." Sabi ni Kuya Red. Nakababa na ako ng kotse, hindi ko nga alam na sumunod siya sa akin. Papunta ako sa cafeteria kasi nagugutom ako. Medyo hindi ako nakakain kanina kasi iniisip ko si Bruno. Naiinis kasi talaga ako sa kanya. Inakbayan ako ni Kuya Red. "Wala ka pa namang klase diba? Kumain muna tayo." He said. Sumama naman ako. Nagpunta kami sa cafeteria. Masarap naman ang pagkain sa university namin. May starbucks nga sa tabi ng school namin, sa loob naman may stall ng Army Navy saka Jollibee, maliban pa doon sa school food talaga.

Sa may smoking area kami umupo. Inirapan ko siya kasi alam ko naman kung bakit kami nandito.


"Susumbong kita." Sabi ko agad.


"Isa lang naman." Kinindatan niya ako tapos ay binigay niya sa akin iyong in-order niyang French fries. "H'wag mo ako sumbong ha." Lumabi pa ako.


"Bakit ba sobrang kulit mo? Diba nga sabi ni Ate h'wag daw? Masama naman kasi iyan sa'yo, saka sa heart and lungs mo. Tapos si Ate diba preggy na siya ngayon, dapat hindi ka na nagaganyan kasi iyong second hand saka third hand smoking masama."

"Hindi naman ako nagyoyosi kapag nandya si Ate mo. Saka isa pa, bago ako lumapit sa Ate mo, malinis na ako."


"Eh kahit na, Kuya Red, hindi pa rin dapat." He just smiled at me. Alam kong love na love niya si Ate pero sadyang matigas ang ulo niya. I kept on eating. Nagkukwento rin naman siya. Sinabi niya iyong tungkol sa adventure nila ni Eli noong minsang nag-crave si Ate Orang ng tupig. Nagpunta pa raw talaga sila sa Tarlac at five am na sila nakabalik sa Metro tapos ang ginawa lang raw ni Ate, pinindot iyong tupig, inamoy tapos kumagat ng maliit na piraso tapos ayaw na niya.

Nalibang naman ako sa kwento niya. "Kailan ninyo sasabihin kay Daddy?"

"Hindi pa sa ngayon. Kasi baka alam mo na, makunan na naman ang Ate mo. I am taking care of her. Kasi kung mawawala na naman ito, dalawa na iyon. Sabi ko nga dapat mag-leave na muna siya sa hospital. Makakapaghintay naman ang pasyente pero iyong anak namin, hindi."

"Buti na lang nilaban mo si Ate. I can't imagine Kuya Eli being her husband. Sobrang weird."


"What can I say? Alam mo naman?" Pinagalaw niya pa ang mga kilay niya. Tawa naman ako nang tawa. Naubos ko na lahat ng pagkaing in-order niya at nagpaalam na akong papasok sa klase. Buong maghapon, bored ako. Alam ko na kasi iyong tinuturo sa subjects namin. Mahilig akong mag-advance read, saka magtambay sa library. Hindi na fun ang accountancy para sa akin. Next sem, may research na ako, iyon talaga ang gusto ko.

"Cinds, nagtext sa akin ang Daddy mo." Sabi ni Jazel. Pinakita niya sa akin iyong phone niya. Nakilala ko naman agad ang number ni Daddy.

"Hala. Bakit sa'yo pa?" Sabi niya kay Jazel, kanina pa raw siya tawag nang tawag sa akin. Patago kong ni-check ang phone ko, May twenty – one missed calls na ako kay Daddy tapos ten messages galing kay Mommy – pero walang message galing kay Bruno. Nagpa-excuse naman ako kay Sir para makalabas, doon ko tinawagan si Daddy.

GorgeousWhere stories live. Discover now