Challenge # 21

66.9K 3.3K 851
                                    

Oh Cindy!

Cindy's

"Sigurado ka bang dito siya nakatira, Eli?"

Nakasakay ako sa Montero ni Eli nang hapong iyon at nakahinto kami sa tapat ng bahay nila Bruno Orejon. Tumitig sa akin si Eli na para bang naguguluhan. I stared back at him.

"Gago ka ba, Cindy? Ikaw ang nature ng direksyon dito sa bahay ng boyfriend mo."

Oo nga pala. Nagpadrive ako kay Elishua rito. Si Kuya Red naman kasi talaga dapat ang isasama ko kaya lang nagpa-check up sila ni Ate. Bunting nga kasi si Ate Orang at palagay nila ay healthy na ang baby kaya ipinaalam na nila iyon kay Mommy at Daddy. Mas mahalaga naman ang pupuntahan nila kaya si Elishua na lang ang tinawagan ko. Wala naman raw siyang ginagawa saka siguro gusto niya ng approval ko kaya sinamahan niya ako.

Lumabi ako at saka inirapan siya. "Ang kapal mo ha! Bakit moa ko tinatawag na gago? Gago ka rin!" Sinuntok ko siya sa balikat saka binelatan. Sa totoo lang kinakabahan naman kasi ako. Mag-iisang buwan na mula nang huli kaming mag-usap ni Bruno. Noong nagpunta si Brandon sa bahay namin noon, pinalipas ko pa ang isang linggo bago ako nagdesisyon.

Hindi kasi ako makatulog tapos palagi ko siyang naiisip. Oo at galit ako sa kanya pero gusto ko siyang bigyan ng benefit of the doubt tapos iniisip kong baka sakaling maisip niya akong puntahan sa bahay – tapos narealize kong tanders na nga pala siya at kung matampuhin ako, mas matampuhin siya. Ganoon daw talaga iyong nagkakaedad na.

"Anong gagawin mo? Uupo ka na lang ba riyan?" Eli asked me again. I sighed. Hinampas kong muli siya.

"Ba't ba ikaw ang excited, o e di sige, ikaw ang bumaba roon, ikaw iyong makipag-usap baka sakaling alam mo ang sasabihin ko." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nakakainis si Eli. Paepal siya masyado. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Belle rito samantalang epal naman palagi.

Ilang beses pa akong huminga nang malalim bago ako nagdesisyong bumaba. Bahala na kung anong iisipin ni Bruno at nagpunta ako rito. Bahala na kung anong mangyayari, kailangan kong marinig ang paliwanag niya. Ako naman kasi iyong hindi nakakatulog, ako kasi iyong nahihirapan. I know very well that I have feelings for him, kahit galit ako sa kanya dahil sa gulong dinala niya sa pamilya ko ay hindi naman mababago iyon basta, hindi mawawala.

Twenty years old na ako, hindi ganoon katandang edad pero marami akong na-realize sa buhay. I know that feelings aren't to be ignored and that we don't have all the time in the world to be with the person we love – inevitable ang kamatayan. Iyon ang paulit – ulit tumatakbo sa isip ko nang gabing iyon. Kailangan naming mag-usap.

"Hihintayin ba kita?"

"Hindi na. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka ni Belle. Bye, Eli. Salamat kahit nakakabwisit ka." Tinalikuran ko na siya ang nagalakad na ako papunta sa may gate ng bahay ng mga Orejon. Kabang – kaba ako. Paano pala kung ayaw niya naman akong makausap? Jusko ha. Sa ganda kong ito, siya pa ba ang tatanggi sa akin, medyo mataas ang level ng confidence ko kapag kinakabahan.

I stood in front of the gate. Iniisip ko pa kung magdo-doorbell ako. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung ano bang sasabihin ko sa kanya. Ano ang magiging takbo ng usapan namin?

Siyempre kakamustahin ko siya. Hindi naman kasi ako ganoon kasama at kakapal ang mukha nae entrada na ako sa anong gagawin natin, naghalikan na tayong dalawa? Siyempre kakalmahan ko lang. Isang buwan kaming hindi nagkita saka ayon sa nakuha kong impormasyon, medyo malala si Bruno. Sabi ni Kuya Red, nag-fake pa raw ng car accident si Brandon para sa kapatid niya. Siguro way ni Brandon iyon para makabawi sa kapatid niya.

I sighed again. I can't still shake off the fact that he's married pero dahil si Brandon ang nagsabi noon – na wala namang confirmation mula kay Bruno – ay hindi muna ako masyadong maniniwala. Kailangan mag-usap talaga kami parang si Mommy at Daddy, hindi naman perfect ang relasyon nilang dalawa, nag-aaway silang dalawa, pero kapag sobra na, tumatahimik si Daddy, binibigyan niya ng panahon si Mommy, saka sila uupo at mag-uusap na dalawa. Sabi nga ni Mommy, walang problemang hindi nadadaan sa mabuting usapan.

GorgeousWhere stories live. Discover now