Challenge # 08

66.8K 3.9K 811
                                    

New

Bruno's

"Why do you have that? That's a woman's shoe, Bruno. Are you gay? Top or bottom?"

Andromeda decided to pay us a visit that night. Ipagluluto niya raw si Avo ng masarap na ulam kaya narito siya. Si Ruel ay kausap si Mateo at si Elias Martin sa sala. I was kind enough to help her with the chores. Si Santino ay tulog pa, galing siya sa duty sa ospital at mukhang nag-away sila noong Cassie na palagian niyang kasama sa mga panahon ngayon. Tinitigan ko lang si Andy. She was standing next to the stove, patawa – tawa siya habang nakatingin sa akin.

"You know, sometimes, I ask myself what my brother saw in you that he ended up marrying you, Andy."


"What can I say? Rule loves fountain. He has that with me. Garlic?"

"No thanks." I didn't get what she was saying. Kinuha ko iyong broccoli at piniraso iyon. Andy looked at me again.


"Have you tried anal? I mean, it's okay if you are gay. You just gave to tell us things. I have a cousin—"

"I tried anal, Andy, didn't give me such satisfaction. Also, I'm not gay. I am straight at a ruler. The shoes, if you may know is my friend's. Her name is Cinderella. She went here the other day, she ranaway."

"And left her shoe?! I think we have to call the fairy godmother!" Tumawa nang malakas ang hipag ko. Baliw talaga. Napapailing na lang ako. Matapos kong masiguro na ayos na ang lahat ng kailangan niya ay nagpaalam akong aalis na muna. Naisipan kong magpunta sa bahay nila Cindy para ibalik ang sapatos niya. Also, we need to talk.

Like her, I was shocked with the way I acted days ago. Hindi ko dapat siya binigla. She's nineteen. Pwede pa akong makasuhan sa ginawa ko. She's too young – and although that's a fact, I still need to be careful, ilang beses na bang napasama si Cindy sa gulo ko? Ilang beses na bang muntik na siyang mawala? Hindi naman siya basta – basta, may alam siya, kaya niyang humawak ng baril at kung ano -anong alam niya sa pakikipaglaban, but still she is a liability to my work and my -mission, and yet I can't seem to take her off my mind.

I shook my head. Motor ni Santino ang ginamit ko papunta sa bahay nila. Medyo malayo ang byahe at ma-traffic pa. Talaga namang parang tourist attraction na ang traffic sa Pilipinas. Mainit pa naman. Pinagpapawisan na ako, baka maasim na ang amoy ko sa oras na makarating ako sa bahay nila.

After an hour and forty five minutes, huminto ako sa tapat ng bahay nila Cindy. Itinago ko sa lilim ang motor ni Santino pagkatapos ay kumatok ako sa front gate. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya sa oras na magkaharap na kaming dalawa. Basta sisimulan ko ito sa pagbibigay ng sapatos niya.

I sighed.

Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto ng bahay nila. I saw her father walking towards the gate. Mukha siyang galit. Nakakunot kasi ang noo niya pagkatapos ay wala siyang kangiti – ngiti. Naalala ko ang turo ni Avo sa aming magkakapatid, kailangan daw sa lahat ng pagkakataon ay ngingiti kami sa tao – kahit na anong mukha pa ang ipakita nila sa amin. So, I stood there and smiled at him.

"Good afternoon, Sir. I am here for Cindy."


"Wala siya rito. Sino ka nga ulit?"

"Ah! Bruno Fernandino." Pakilala ko. "Ako ho iyong sinaksak ninyo noong huli nating pagkikita." Paalala ko sa kanya kasi baka nakalimutan na niya. Napatango lang siya. Pilit kong iniisip kung ano ang pangalan ng Tatay ni Cindy. Is it Jacob, John or Judas? Hindi naman siguro Judas. Her father seemed nice. Hindi bagay ang Judas na pangalan. Siguro Jacob.

"Sige, pumasok ka." Wika niya sa akin. Pinauna niya ako. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng katahimikan. Hindi ko alam pero para bang kinabahan ako. The last time I felt like this was when my cover was blown up.

GorgeousWhere stories live. Discover now