Challenge # 16

71.7K 3.4K 494
                                    

Bad feeling

Cindy's

The dinner with the family and Bruno went so well. Halatang – halata kay Daddy na kung kahit anong ipinapakita niya kay Bruno, kahit pinanlalakihan niya ng mga matai to ay gusto niya talaga si Bruno. Sa ngayon kasi sa mga son – in – law niya, si Eli ang palagi niyang pinapatawag, feeling ko kasi talaga si Ate Belle ang favorite daughter niya kaya si Eli rin ang favorite son – in – law niya. Si Kuya Red naman kasi ay madalas busy sa company ng family nila.

Si Ate Sam ay palaging inaasar si Daddy tuwing magsasalita si Bruno at kakausapin ang huli. Kesyo unfair daw, hindi naman raw ganoon si Dad noong sila ang nagde-date, si Dad naman, patay malisya lang. Nakikinig lang ako sa kanila, kahit gusto kong sumama sa pang-aasar kay Daddy ay hindi ko ginagawa, masyado akong masaya at nandito si Bruno.

After dinner, we walked around the city – halos magkakapareho lang ang structures ng buildings dito sa Europe, napakalamig pero kahit ganoon ay napakaraming tao. Nabubusog ang mga mata ko sa dami ng magagandang tanawin sa palagid ko. Bruno and I were walking together side by side, si Ate Sam ay nasa tabi ko. Nakangisi siya habang panay ang pasaring.

"Nakatalikod naman, hawakan mo na sa kamay." Sabi niya sa akin. I looked at Bruno. Feeling ko naman, masaya siya pero kanina pa siya nakatitig kay Daddy. Hindi ko maintindihan kung ako ba ang pinunta niya o sisilay siya sa tatay ko?

"Hoy." Hindi na ako nagpigil pa. Hinawakan ko ang kamay niya. Ipinasok naman niya iyon sa bulsa ng coat niya. We stopped walking.

"Yes?" He smiled. Kahit nakangiti siya ay hindi naman umabot iyon sa mga mata niya. "I missed you." We stayed behind. Nagpatiuna na rin si Ate Sam, mabuti nga iyon at nakaramdam siyang gusto pala namin ni Bruno na mapag-isa. "So, I came. Pupunta rin ako sa party mo." Sabi niya pa sa akin. I feel like he's not telling me something. Nanliit pa ang mga mata ko, gusto kong itanong kung siya ba si Bruno pero alam kong siya si Bruno. His eyes gave him away.

"Bakit ka nagpunta dito maliban sa nami-miss mo ako?" Tanong ko sa kanya. Napangisi si Bruno.

"Ang feeling mo, Cindy ha."

"Hindi nga. Sinabi mo na rin naman kanina – namiss moa ko. I missed you too. Kanina nga sad ako kasi hindi ka nagte-text iyon pala papunta ka na dito. Bakit ka nagpunta maliban roon? May sasabihin ka ba sa Daddy ko kasi kanina mo pa siya tinitingnan."

Bruno took a deep breath. Matagal lang siyang nakatitig sa akin. Ako naman ay nagsimula nang makaramdam ng kaba. May problema? I know there's something wrong and I wanna know.

"Cindy, I need to tell you something."

I didn't speak. I stayed there staring at him. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong iparating. Nagpatuloy siya.

"Do you remember the first time we met?"

I met him in the village. I scratched his car. Napakunot ang noo ko – o baka naman hindi siya ang nakilala ko. I am not ruling out that there is two Brunos. Matalino ako, alam kong siya talaga ito.

"You tell me. Do you remember the first time we met?" Tanong ko sa kanya. I crossed my arms waiting for his answer. Matagal ulit siyang nagsalita. "Don't you remember the first time we met?" I dared him.

"I do remember."


"Where?" My heart is beating fast. Gusto kong marinig sa kanya kung saan nga ba kami unang nagkakilala at gusto kong sabihin niya sa akin na sa village kami unang nagkita.

"Cindy..."

"Tell me— Shit!" I exclaimed. Nagulat ako dahil bigla na lang may baril na pumutok mula sa kung saan. Niyakap agada ko ni Bruno pagkatapos ay dumapa kaming dalawa. We crawled. Nagkagulo ang mga taong malapit sa bridge na iyon. Sunod – sunod ang naging pagputok ng baril and it was aimed at us. Kabang – kaba ako. Naalala ko kung gaano siya ka-boplaks sa mga bagay na ito kaya hindi ako mapakali. Alam ko namang gagawin niya ang lahat para maligtas ako pero paano ang sarili niya?

GorgeousWhere stories live. Discover now