Challenge # 07

72.9K 3.7K 925
                                    

Daddy!

Cindy's

Never been kissed

Ilang beses kong nilagyan ng line iyong salita na iyon sa notebook ko. Napapalabi pa ako habang nakatingin roon. Nasa loob ako ng isang nail salon kasama si Ate Sam, Ate Aurora at Belle. It's our weekly girls bonding. Nagkaroon lang naman ng ganito mula noong mag-asawa si Ate Aurora, hindi na kasi siya nakatira sa bahay, kaya palagi raw niya kaming nami-miss tapos busy pa siya palagi sa work.

"Cindy, ano iyan?" Tanong ni Belle sa akin. She was staring at my notebook. Isinara ko agad iyon tapos ay umiling ako.

"Ang chismosa mo. Hindi ko nga tinatanong sa'yo kung nagse-sex na ba kayo ni Eli tapos ikaw tinatanong mo kung anong ginagawa ko. So, para fair, nag-sex na ba kayo ni Eli?" Pati iyong manicurist ay napatingin sa aming dalawa ni Belle. I just grinned at her. Natahimik siya ng wala sa oras.

Itinago ko sa bag ko iyong notebook ko tapos namili na ako ng shade ng nail color na gusto ko. Tahimik lang si Belle tapos si Ate Sam at Ate Orang naman ay nagkukwentuhan. Suddenly, Belle spoke.

"We well, we don't do that... I don't think I can." Sabi pa ni Belle. Hindi na ako nagsalita kasi usapan naman nila iyong tatlo. Wala naman akong paki kung mag-sex sila ni Eli o hindi ang iniisip ko lang ngayon ay may first kiss na ako.

Gusto kong sabihin sa kanilang tatlo iyon pero nag-aalala ako nab aka malaman agad ni Daddy. Gusto ko rin namang sabihin kay Daddy pero paano ko gagawin iyon, alam ko namang magagalit siya sa akin. Hindi kasi ako tumupad sa usapan namin.

I sighed. Noong bata ako, palaging ipinapaalala ni Mommy at Daddy sa akin na dapat sinasabi ko sa kanila ang lahat. Okay naman iyon sa akin. Mas gusto ko nga iyon kasi open kami sa isa't isa. Saka ayoko talagang nagsisinungaling kay Daddy – siya kasi talaga ang number one best friend ko. Kaya dapat, bago ko masabi kina Ate, masabi ko muna kay Daddy.

"Ate, kailan ka magbo-boyfriend ulit? Naka-move on ka na ba kay Sam?" Tanong ko kay Ate Sam. Natigilan siya – lagi namang ganoon ang reaksyon niya kapag si Bubut ang pinag-uusapan. Siguro, naging masakit talaga ang break - up nilang dalawa. Ang huling rinig ko kay Daddy at sa friend niyang Daddy ni Bubut ay sa Singapore na raw nag-stay si Bubut kasi nagsisimula na ang Asian tour niya. Sikat na sikat na kasi si Bubut, iyong tipong may sarili na siyang paparazzi, kilala na rin siya sa Singapore, Malaysia at South Korea. Ang sab inga ni Daddy maganda raw kung ipapadala si Bubut sa North Korea, pambala ba sa kanyon kasi isa raw putang ina si Bubut. So sad talaga for Ate.

"Moving on isn't something you ask about, Cindy." Sabi ni Ate Orang sa akin.

"Sabagay, hindi ka rin naka-move on kay Kuya Red eh." Wika ko pa. "Nagka-cancer pa si Dad dahil sa'yo. Buti na lang hindi totoo kasi ayoko siyang mawala agad." Natawa ako nang maalala kong umiinom ng suka si Daddy tuwing uuwi si Ate Orang galing sa kung saan. Nahuli ko kasi sila ni Uncle Ido noon sa kusina.

"Mag-asawa na kami ni Red. Walang kaso roon. He's an amazing husband. Buti talaga nagpalandi ako sa kanya."

Napatitig ako kay Ate Orang.

"Paano ba lumandi?"

"At bakit mo tinatanong?" Sabay – sabay silang tatlo na nagsalita. Pasigaw iyon, lahat sila nanlalaki ang mga mata. Natakot naman ako feeling ko kasi kakainin nila ako ng buhay.

"Ang grabe ninyo sa akin." Napanguso ako. Matapos magpa-mani-pedi ay nagyaya si Ate Orang sa Starbucks. Doon namin ipinagpatuloy ang pagkukwentuhan namin. Ako naman ay naglaro na lang ng ML kasi puro tungkol sa mga jowa nila ang pinag-uusapan nila. Si Ate Sam nagbibigay ng what to do and what not to do na mga advices kay Ate Orang at kay Belle.

GorgeousWhere stories live. Discover now