Chapter 1

3.1K 62 22
                                    

Chapter 1

-----

Third Person POV

Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat ang 'School Camp' kung saan ang mga third year at fourth year students lang ang kasali

Sa school camp siguradong mageenjoy ang lahat dahil maraming iba't ibang klase ng activities ang nakahanda

Lahat ng estudyante ay lubos na matutuwa dahil sa event na ito ay puno ng surpresa at kakaibang experience na hinding hindi mo makakalimutan at sa event na to maeenjoy mo ang pagiging highschool

Pero masiyahan pa rin kaya sila kung ang School Camp  na ito ay kakaiba sa mga naunang camp? Dahil ang School Camp 2014 ay puno ng dugo, patayan, sigawan at iyakan

-----

Patricia Dela Cruz POV

Hi! Ako si Patricia Dela Cruz! Third year student, Ngayon na ang araw ng School Camp na tatagal ng two days and one night, sa school kami matutulog

"O.M.G! This is it na talaga!" sigaw ni Paula, napatakip kami ng tenga dahil sa lakas ng sigaw niya, si Paula ay isa sa mga kaibigan ko

"Leche! Ang sakit tenga! papasakan ko ng papel yang bunganga mo, Geeez!" inis na sabi ni Erhica

Hindi sumagot si Paula at nagpout lang ito

"Wag ka naman masyadong pikon diyan Erhica! Excited lang talaga yan si Paula, aba dapat lang isa kaya to sa masayang event ng school natin!" masayang sabi ko inirapan lang ako ni erhica

"Tama na nga yan! Bilisan na natin baka malate pa tayo" sabi naman ni Hya

Nandito kasi kami sa sasakyan, kinuha namin ang mga gamit namin at saka bumaba

Nasa tapat na kami ng gate ng school papasok na sana kami sa loob ng biglang may nagsalitang matandang babae

"Huwag na kayong tumuloy" napakunoot noo naman kami, lahat kami ay nakatinggin sa matandang babae na nakatakip ang mukha, nakakatakot ang itsura niya para bang may kakaiba sakanya

Magtatanong sana ako ng bigla siyang magsalita ulit

"Huwag na kayong tumuloy kung gusto niyo pang mabuhay, nararamdam ko na mayroon kakaibang mangyayare sainyo, at kapag tumuloy pa kayo sinisigurado kong mamatay kayo" kinilabutan ako sa narinig ko 'mamatay kami?'

"Dont mind her, Lets go inside. Matagal nating hinintay ang araw na to kaya wag nating sayangin ang araw na to, nandito tayo para magenjoy" sabi ni Charlene at naglakad na papasok sa loob

Nakapasok na ang mga kaibigan ko sa loob ako na lang ang nasa labas pa, tinititigan ko pa kasi yung matandang babae tumalikod na ko sakanya at nagsimulang maglakad

School Camp (Book 1)Where stories live. Discover now