Chapter 5

1.3K 41 6
                                    

Chapter 5

--------

Paula's POV

Papunta kami ni Eulo sa gym kung saan nang galing yung sigaw na narinig namin kanina

Habang naglalakad kami dun bigla na lang akong kinabahan ng hindi ko alam ang dahilan

Malapit na kami sa gym ng may makasalubing kami

"Eulo, Pre!"

"Oh, Ace bakit?"

Siya si Ace campus crush at ultimate playboy ng school namin magkaklase nga pala sila ni Eulo

"Saan ka papunt--" hindi natuloy yung sasabihin niya ng mapansin niyang nasa tabi ako ni Eulo "You're Paula, right?" Nakangiti niyang sabi ngumiti lang ako at tumango sakanya

'Playboy talaga, psh!'

"Saan nga pala kayo papunta?" tanong niya kay Eulo

"Doon sa gym, may narinig kasi kaming kakaibang sigaw kaya pupuntahan namin, ikaw ba?" Eulo

"Doon din, gaya niyo may narinig din akong sigaw. Na'curious ako kaya pupuntahan ko din" Ace

Ng malaman namin na isa lang pala ang pupuntahan namin nagkasundo kami na sabay sabay na lang pumunta sa gym

Huminto kami sa tapat ng pinto ng gym at nagtinginan muna bago buksan

Sobrang dilim sa loob, halos wala ka ng makita nakasarado din kasi yung mga kurtina kaya mas lumalala yun dilim sa loob

Naglakad na kami papasok sa loob nasa gitna nila akong dalawa

Tahimik lang kaming tatlo pinagmamasdan kong mabuti yung paligid, wala naman akong nakikitang kakaiba sino kaya yung sumigaw? Hindi ako pwedeng magkamali dahil dito.talaga sa gym nanggaling yung sigaw

Humiwalay samin si Ace para buksan yung kurtina para lumiwanag naman kahit papaano

"May tao ba dit---" naputol qng sasabihin ko ng bigla akong may matapakan at kasabay nun ang paghawi ni Ace sa kurtina na nagbigay liwanag sakin para makita  ko yung natapakan ko

"OH MY GOD!" napatakip ako ng bibig ko sa nakita ko

Lumapit sakin si Ace ganon din si Eulo "Bak--" Hindi na natuloy ang sasabihin nila ng mapansin nila kung saan ako nakatingin bakas din sa mukha nila ang gulat

Ilang minuto kaming hindi nagsasalita nakatulala lang kami sa bangkay na nasa harapan namin, bangkay ng isang babae hindi naman makita ang mukha nito dahil nakadapa ito at naliligo na ito sa mismo niyang dugo

School Camp (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon