Chapter 4

1.4K 42 12
                                    

Chapter 4
-------

Paula's POV

Nagsimula na ang last activity magkakasama kami ngayon nila Jera at Erhica kasama din dapat namin si Hya pero hinila siya ni Jahnielle samatalang si Charlene hindi makakasama dahil isa siya sa nagoorganize ng mga activities

Kinuha ang mga cellphones namin bago kami pumasok sa gate ng main campus bawal din magdala ng flashlights

"Tae, natatakot ako!" sabi ko sa oras kasi na ito wala ng ilaw ang nakabukas lahat ay nakapatay na

"Pare-pareho lang tayo!" sabi naman ni Erhica

Magkakakadikit kaming tatlo habang naglalakad papunta kami sa gymnasium "Alam niyo, may sabi sabi dati na may multo daw sa school natin" sabi ni jera, mas lalo tuloy akong natakot

"Hoy jera, takot na nga ako tatakutin mo pa ko lalo?!" sigaw ko

"Bunganga naman!" sabi ni Erhica

Habang papalapit kami ng papalapit sa gymansium mas lalong akong natatakot at kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan

Kinilabutan ako ng may sumitsit

"Pssst!"

"S-sino yun?" tanong ko kela jera

"Hindi ako yun!" Erhica

"Mas lalong hindi ako yun!" sabi ni jera

Natahimik kaming tatlo at pinapakiramdaman ang paligid magpapatuloy na sana kami ulit sa paglalakad ng may sumitsit ulit

"Pssst!"

Halos magyakapan na kaming tatlo sa takot sa hindi naman kalayuan may napansin akong anino sa may bintana ng gym

'Kasali kaya yun sa activity?'

hindi nagtagal may narinig kaming malakas na sigaw na nanggaling sa gym kaya nagkatinginan kaming tatlo

"AHHHHHHHHHH!"

Maglalakad na sana kami paalis ng gym ng may narinig ulit kaming sigaw

"TULOOOOOOONG!"

Ng dahil sa sigaw na yun kumaripas na kami ng takbo papalayo sa gym

takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapadpad kami sa mga comfort room

Naramdaman kong medyo naiihi na ko dala siguro ng takot hahaha

"CR lang ako, huwag niyo kong iwan a!" pagpapaalam ko sakanila tumango naman silang dalawa at saka ako pumasok sa loob ng CR

School Camp (Book 1)Where stories live. Discover now