Chapter 15

867 29 3
                                    

Chapter 15

--------

Sapphire's POV

Nagsimula lang namang magbago si Kuya nung namatay si Tatay

Masayahin siyang tao, mabait, maalagain at higit sa lahat sobrang talino niya. Kaya maraming Teachers at estudyante ang napapamangha niya

Pero lahat yun naglaho ng mamatay si Papa sa isang aksidente

Aksidenteng nagpabago ng buhay namin

Nangyare ang aksidenteng yun isang taon na ang nakakalipas

Alas singko na ng hapon nun, hinihintay namin si Papa sa may gate ng school, walang nakakaalam na magkapatid kami ni Kuya Anthony Wala ding nakakaalam na tatay namin ang Math teacher namin

Habang naghihintay kami ni Kuya ay nagkwentuhan muna kami ng may marinig kaming mga babaeng na sumisigaw sa rooftop ng school

"TULONG!"

"TULUNGAN NIYO PO KAMI!"

Nakita namin ang  grupo ng mga babae, na hinhila pataas ang kaibigan nilang nakalambitin sa ere

Nagkatinginan kami ni Kuya, tumakbo kami para puntahan sila pero bigla naming nakita sa tatay na tumatakbo papuntang rooftop kaya napahinto kami ni Kuya

Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan

Hindi ko napansing umaambon na pala

Ilang minuto lang ay nakita namin sa tatay na nasa rooftop na, tinutulungan niyang hilahin paitas yung babae

Habang pinapanood ka ang scenerio na iyon din ko lang napag tanto na mga kaklase ko pala iyon, Sina Hya, Charlene, Paula, Patricia, jera at si Erhica na siyang tinutulungan nila na huwag malaglag

Mukhang nahihirapan silang iangat si Erhica dahil may katabaan ito at bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan

Nagsisigawan na sila dun dahil mukhang hirap na hirap na sila

kaya Nagmadaling nagtungo dun si Kuya para tumulong

Nang makarating si Kuya dun agad niyang tinulungan si Tatay at nagtagumpay naman sila

Rinig na rinig yung iyakan nila kahit napaka layo ko sa kinalalagyan nila

Napansin kong nakahawak si tatay sa may puso nya, mukhang umaatake nanaman ang chest pain nya. Napansin naman yun ni Kuya pero sinenyasan lang siya ni tatay na ayos lang siya

Naglalakad na ang lahat pero si Tatay nakatayo lang habang hawak hawak yung dibdib niya, paatras siya ng paatras hanggang sa nahulog siya

"TATAAAY!"

--------

"K-kuya, bakit? bakit sya pa?"

Ngayon ang unang araw ng burol ni Papa,

"Kasalanan nila to, kung hindi dahil sakanila sana buhay pa si Tatay ngayon!" galit na sabi ni kuya

Dead on arrival ng dinala si Tatay nun sa ospital, inaatake na pla siya nung mga oras na hawak hawak nya na yung dibdib niya, at mula sa 6th floor ng school ay nahulog siya

Walang kahit isa ang pumunta sa burol ni Papa, pinagbawalan ng school na pumunta ang mga estudyante dito na lalong mas kinagalit ni Kuya

"Pagbabayaran nila to, papatayin ko sila papatayin ko silang lahat

Hanggang sa dumating yung araw na gagawin na ni Kuya ang plano niya, pinlano niya ang lahat siya ang nagsuggest na maisagawa ang school camp,

Nagexperimento din siya para muling buhayin si Papa, pero lahat ng gawin nya palpak dahil wala naman talagang tanging paraan para buhayin pa ang namatay na pero makulit si Kuya, kung anong gusto niya gagawin nya

Paulit ulit ko siyang pinigilan pero buo na daw ang desisyon nya

Wala naman talaga akong balak makielam sa plano niya pero hindi ko kayang makitang mamatay ang lalaking gusto ko, lalo na at inosente sya kaya nagpasya akong makielam na gusto ko na silang tulungan dahil Hindi naman nila yon ginusto

------

"Kuya tama na!" Halos mamatay na sa bugbog so Ace at robin

Pero parang walang naririnig si Kuya, dahil tuloy lang siya sa pag suntok sa dalawa

Sa hindi inaasahang pangyayare na basag ni Charlene ang salamin na nakacover kay Tatay, agad na napatinggin si Kuya sakanya at nilapitan siya at sinakal

"I-baba m-mo ko" charlene

"Ahhhh" nabitawan ni kuya si Charlene ng sinsaksak siya ni Jera sa likuran

Pero parang wala lang nangyare ka kuya, dahil binuhat nya si Jera sa leeg at inihampas sa pader

pumulot siya sa mga basag ba salamin at itinutok kay Jera, itutusok niya na sana to kay jera pero mabilis akong kumilos para saksakin si Kuya ng bubog na napulot ko

Sinaksak ko siya sa may puso, dahan dahan siyang napatinggin sakin

"B-bakit?" may lumabas ng dugo sa bibig niya

"S-sorry, Kuya sorry, pero mali na kasi tong ginagawa mo" yan na lang ang tangi kong nasabi habang umiiyak

Nabitawan nya na si Jera "B-bakit?" umiling lang ako at dahan dahan na siyang tumumba

"K-kuya"

------

School Camp (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon