Chapter 14

1K 38 23
                                    

Chapter 14

--------------

Patricia's POV

"Hmmmm" Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko

'Asan ako?'

Nakaramdam akong may mabigat na bagay ang nakapatong sa may tyan ko, hinawakan ko yun para tanggalin pero  napatigil ako at napa'kunot noo

'k-kamay?'

Napatinggin ako sa tabi ko (O____o)

Medyo nagulat ako sa nakita ko si V-vince kasi natutulog sa tabi ko at mukhang tulog na tulog habang yakap yakap pa ko

Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako

Napatinggin ako sa kisame habang pilit kong inaalala ang mga nangyare kanina

Nag laro lang naman kami ng tug of war tapos tinulungan ako ni Vince tumayo tapos wala na kong maalala! Ano bang nangyare? -_-

Maya maya lang naramdaman kong gumalaw siya kaya napagisipan kong mag'tulug-tulugan

Vince POV

kinusot kusot ko yung mata ko at umupo sa pagkakahiga ko

'Nakatulog pala ako?'

Tinignan ko si Patricia sa tabi ko at hanggang ngayon mahimbing pa din ang tulog

Tumayo ako at lumapit sa may glass window, nasa clinic pa rin kami hanggang ngayon simula pa nung nahimatay si Patricia

Pagtinggin ko sa labas ng glass window gabi na at umuulan pa ng malakas

'Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon?' hindi na kasi ako naka sali sa mga activities dahil buong araw kong binantayan si Patricia

Ayaw ko syang iwan dahil walang magbabantay sakanya

Umupo ako sa may gilid ng kama, at pinagmasdan si Patricia

Matagal ko ng alam na may gusto siya sakin, at na'aapreciate ko naman yun, I can be friends with her pero haggang doon na lang yun

Hindi naman sa hindi ko siya gusto pero may girlfriend ako at mahal ko siya

Hindi siya mahirap magustuhan, siguro kung mas nauna ko lang siyang nakilala hindi malabong ligawan ko siya

"Hmmmmm"

Patricia's POV

"Hmmmmm" nagkunwari akong kakagising ko lang pero ang totoo kanina pa talaga XD

School Camp (Book 1)Where stories live. Discover now