Chapter 12

948 31 8
                                    

Chapter 12

----------

Paula's POV

Lahat kami nagulat sa sinabi ni Sapphire, dahil ngayon lang namin nalaman na may underground pala ang school namin

"Pero saan naman naka'locate yun?" tanong ni Charlene

"Sa pinaka dulo ng miniforest meron isang balon dun na walang tubig at mayroong hagdan sa loob nun, yun ang daan patungo sa underground" pagpapaliwanag niya samin

Habang patungo kami kung saan yung underground hindi ko mapigilang hindi mapaisip, 'Bakit parang ang daming alam ni Sapphire?'

'Pano niya nalaman na doon namin matatagpuan ang kahinaan ng killer?

Palihim ko siyang sinulyapan na nasa likuran namin habang akay akay niya si Ace 'Sino ka ba talaga Sapphire?"

---------

Malapit na kami sa dulo ng mini forest ng may nadaanan kaming isang bangkay ng tao na nakasandal sa isang puno

Punong-puno ng dugo yung ulo niya at doon na rin namin nalamang si Pompom pala yon

Nagtuloy tuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang dulo, at may balon nga kaming nakita doon

Nagpresinta si Sapphire na siya ang unang papasok sa balon, sumunod rin naman kami agad sakanya

Ng makapasok na kaming lahat may mga kandila sa bawat gilid, may mga frame ding nakadikit doon sa pader

"Hindi ko aakalaing may ganto palang lugar sa school natin" sabi ni Jera, bumalik na rin siya sa sarili niya galing sa pagkakatulala niya

Malaki din pala ang underground na to, maraming mga pasikot sikot at mga daanan

Pero si Sapphire pang kabisadong kabisado ang daan

Ilang minuto na kaming naglalakad at mukhang wala pa kong napapansing kakaiba

Huminto si Sapphire sa paglalakad kaya huminto din kami "Dito tayo"

"Jan tayo dadaan?" tanong ni Charlene sakanya

Napatinggin kaming lahat sa daang tinutukoy niya, "Papasok tayo sa butas ba yan?" ako naman ngayon ang nagtanong, tumango lang siya sakin, siya ang unang pumasok sa butas kaya sinundan nanamin siya

Pagapang naming tinatahak ang daang yun, si Eulo ang nasa hulihan

Namamawis na ko kasi sobrang init tapos ang sikip sikip pa ng butas na ginagapangan namin

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Eulo sakin

School Camp (Book 1)Where stories live. Discover now