Chapter 8

1.1K 41 13
                                    

Chapter 8

--------------

Charlene's POV

'Nasan na kaya yung mga yun?'

Nandito ako ngayon sa mini forest ng school may nagsabi kasi sakin na may nawawalang dalawang estudyante, Hindi na daw bumalik nung natapos yung game na kaylangan hanapin yung bell at bago pa magbonfire

Hindi na nakasama sakin si LA kasi bilang governor ng school marami siyang kaylangan asikasuhin

Nasa kalagitnaan ako na ko ng gubat ng may tumawag sa pangalan ko

"Charlene!"

Hinanap ko yung taong sumigaw sa pangalan ko at doon ko nakitang may papalapit sakin

"Oh, Pompom bakit?" tanong ko sakanya, si pompom ang secretary ng school

"Nagalala lang ako sayo Vice, kasi nawala ka bigla sa soccer field pati narin si Gov wala dun"

"May hinaha---" naputol yung sasabihin ko ng mapansin kong may mga kulay pula yung damit niya parang dugo?

Pinagmasdan kong mabuti yung damit niya gamit yung flashlight na dala dala ko

"D-dugo ba yan?" sabay turo ko sa damit niya

Napatinggin agad siya sa damit niya at medyo nagulat

"Hind----" Napatigil siya ng mga pumatak na likido sa mukha niya at nung tinignan niya kung ano yung nagulat kami pareho

Sunod sunod na yung patulo ng dugo sa mukha niya tinutukan ko ng flashlight kung saan nanggagaling yun

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko dahan dahan akong tuminggin kay Pompom

Yung dalawang estudyanteng nawawala na sina Jade at rebekah nakasabit sa itaas ng puno at punong puno ng dugo yung katawan nila

"Te-teka Vice mali yung iniisip mo, hindi ako ang gumawa sakani-----"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil tumakbo na ko ng mabilis

Hindi ko aakalaing magagawa niya yun, mabuting tao ang pagkakakilala ko sakanya

Habang tumatakbo ako naririnig ko yung pagsigaw niya sa pangalan ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo pero isang bagay ang nagpahinto sakin, nang marinig ko siyang sumigaw

"AHHHHHHHHHHH!"

Napatinggin ako sa direksyon kung saan ko siya iniwan patuloy siya sa pagsigaw

School Camp (Book 1)Where stories live. Discover now