Chapter 2

1.8K 57 16
                                    

Chapter 2

-----

Jera POV

Nandito kami ngayon sa soccer field at nagtatawanan dahil sa nangyare kay Patricia! Pano ba naman hinimatay ng malaman niyang si Vince pala yung tumulong sakanyang tumayo

Pagkaabot niya ng kamay ni Vince, hinimatay na siya! Kaya ayon dinala siya ni Vince sa clinic sa tinggin ko nagistay na doon si Vince kasi kanina pa siya hindi bumabalik baka mahimatay nanaman si Patricia pag nalaman niyang binabantayan siya ni Vince habang wala siyang malay

Naiinggit tuloy ako kay Patricia, kasama niya ngayong yung crush niya kahit wala siyang malay kaysa naman sakin may malay nga hindi ko naman kasama si Crush

Nakatanaw lang ako sa malayo at pinagmamasdan si Robin, si robin yung lalaking nagpapatibok ng puso ko pero hindi niya ko kilala, fourth year din siya tulad ni Jahnielle at Vince

'Kaylan kaya kita malalapitan?' bulong ko

"Hoy babae! Anong iniisip mo?" tanong ni Paula, hindi ko siya sinagot hindi ko inalis ko ang tinggin ko kay Robin

"Si Robin? Naku! Magmove on ka na! isang taon ka ng may gusto sakanya pero ni minsan hindi kayo nagkaroon ng pagkakataong magusap! At take note, isang taon ka na rin niyang secret admirer! Hindi ka pa ba napapagod?"

Umiling ako sa tanong ni Paula "Kahit kaylan hindi ako mapapagod, kung siya lang din naman ang dahilan"

Nakita ko naman napailing si Paula sa sinabi ko narinig ko rin siyang bumulong "Martyr"

-------

Nakakailang activity at games na kami pero mga wala atang kapaguran ang mga estudyante dito

ang susunod na activity ay by pair girl and boy dapat ang pairings

Wala akong balak sumali dahil wala naman akong partner kaya umupo na lang ako sa bench at pinapanuod ang mga nangyayare nakita ko si Paula na kasama si Eulo, tignan mo tong babaeng to kung sabihan ako nagmove on siya din pala

Gusto kasi ni Paula si Eulo pero ang tinggin sakanya ni Eulo ay parang nakababatang kapatid lang, pero masaya na si Paula doon atleast daw nakakausap at nakakasama niya naman siya Eulo

Nakita ko din si Hya at Jahnielle na nagtatawanan at naghaharutan, naiingit ako kay Hya kasi siya gusto siya ng taong gusto niya sa aming anim na magkakaibigan siya ang pinaka swerte sa lovelife

habang pinapanuod ko ang mga estudyante naoukaw ng atensyon ko si Sapphire tahimik lang siyang nakaupo sa isang sulok at gaya ko pinapanuod niya din ang galaw ng mga tao dito, pansin ko din na kahit saang activities wala siyang sinalihan

Tumayo na ko sa pagkakaupo ko papunta sana ako ng comfort room ng biglang may kumalabit sa likod ko, humarap naman ako sa taong kumalabit sakin at napanganga ako

School Camp (Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora