Chapter 11

998 35 8
                                    

Chapter 11

-------------

Charlene's POV

Nakalabas na kami sa corridor, nasa school ground na kami at hanggang ngayon hila hila pa rin namin ni Robin si Jera na tulala pa rin hanggang ngayon

Nagtago kami sa likod ng fountain na nakalocate sa kalagitnaan ng school

Nakasandal kami dun pare-pareho habang nakaupo basang basa na rin kami dahil sa lakas ng ulan

Napahawak ako sa sentido ko 'Nahahahanap nga namin yung iba pero may nagpapaalam rin agad'

'Makakatakas pa rin ba kaya kami sa bangungot na to?'

------

Ace POV

"Sino ka ba talaga?" Ilang beses ko na siyang tinatanong kung sino siya pero hindi siya sumasagot o nagsasalita man lang

Hindi ko rin makita yung mukha niya dahil nahaharangan ito ng buhok niya

Maglalakad na sana siya paalis ng nahawakan ko siya sa kamay kaya napatigil siya at napatinggin sakin

Ilang minuto rin kaming ganon, dahan dahan niyang inalis yung kamay kong nakahawak sa kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad

"Sanda--- Shit'!" napaupo ako ng kumirot yung sugat ko sa sa paa tinignan ko yun at may mga bubog na nakabaon doon, nakuha ko to ng natapakan ko yung lubid ng hinahabol ako ng killer

Tatanggalin ko na sana yung mga bubog na nasa paa ko ng mapansin kong nasa harapan ko na yung babaeng tumulong sakin

Nakatinggin siya sa sugat ko samantalang ako naman nakatinggin sakanya

habang tinititigan ko siya doon ko napansing parang pamilyar siya sakin parang nakita ko na siya dati pa

Pinagmasdan ko siyang mabuti at doon nagflashback lahat kung saan ko siya nakita

"Siya nga yun" bulong ko at mukhang hondi niya narinig ang sinabi ko dahil nakatuon pa rin siya sa sugat ko

Siya yung babaeng weird na nakikita ko laging nakatinggin sakin

Siya din yung babaeng sinusundan ako tuwing may kasama akong ibang babae

Siya yung babaeng tinutukoy ng mga kaibigan ko na tintakot daw yung mga babaeng nakakadate ko para wag na ulit makipag kita sakin

'Bakit kaya niya ginagawa yun? At bakit niya ko tinutulungan? sino ba talaga siya sa storya na to?'

School Camp (Book 1)Where stories live. Discover now