CREEPY

99 8 0
                                    

           
                      "Thank God! After 6 months ng pagtulog nagising ka na rin Brod you are really a strong man!" Bati ni Warren pagkakita sa akin. Mga college friends ko sila.

"Salamat sa pagdalaw Brod!" bati ko din

"Nasa lahi na namin ang pagiging malakas!" sabi ni Benedict.

"Ok ka na ba talaga Kai?" tanong ni Agatha girlfriend ni Warren.

"Ok na ok na." sagot

"Huhu.. Huhu..Huhu." napatingin ako sa multong umiiyak sa tabi ni Warren.

"Eh kelan ka naman na daw pwedeng bumalik sa trabaho?" tanong ni Charlie.

"Hmmm... Di ko pa sure pero don't worry babalik agad ako" sabi ko.

"Pagaling ka na nang mabuti namimiss ka na ng mga chika babes lalo na at wala na si-" nakita kong siniko ni Benedict si Charlie

"Sinong wala na?"

"Ah si-si Selene wala na sa work niya. Babalik na siya from Milan" sagot ni Benedict.

"At bakit naman siya nag resign sa trabaho niya?Mahal na mahal niya ang trabaho niya bilang fashion designer bakit siya uuwing Pilipinas?"

"Dahil saiyo. Ano pa nga ba?" sagot ni Agatha.

"Huhu...Huhu...Huhu..." Iyak pa rin siya ng iyak sa tabi naman ni Charlie ngayon.

"Dahil sa akin?"

"Three months siyang nagbantay saiyo sa hospital. Di siya umalis sa tabi mo noong nasa coma ka pa." sabi ni Warren.

"Pero wala naman siya nung gumising ako."

"Wala siya kasi kinailangan niyang bumalik ng Milan. You can't blame her biglaan ang nangyari saiyo and she is running a business abroad. Bago pa siya umalis sa trabaho kinailangan pa niya munang ayusin ang ilang bagay." Paliwanag ni Benedict.

Natahimik ako. Selene is my ex when I was in College pero after graduation nagpunta siyang Milan para mag-aral nang fashion designing. Nahirapan kami ipriority ang isa't isa kaya nakipaghiwalay siya sa akin.

"Give her a chance Kaiser. She said she still loves you. Kung hindi, hindi niya igi-give up ang work niya abroad." sabi ni Agatha.

"So makikipagbalikan ka ba sa kaniya pag-uwi niya" Tanong ni Charlie.

"I don't know" sagot ko nang may naramdaman akong malamig sa batok ko. Napatalon ako saka napasigaw

"Waaaah!!!"

"Huhu...Huhu...Huhu...Pleeaase Heeelp meee!" Sabi niya wag mo siyang pansinin Kaiser isip isip ko.

"May problema ba insan?"

"What's wrong?"

Lahat sila nakatingin sa akin na para bang nasisiraan na ako ng ulo.

"Hah wala? Ah na-nagulat lang ako sa aircon" sabi ko. Nagkatinginan lang naman sila.

GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now