Shomba, Shomba

104 4 3
                                    

       

                                  KAISER'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

             
                    KAISER'S POV

       "Kaiser, Kaiser,Kaiser"

      May tumatawag sa akin. Dahan dahan akong bumangon humihikab pa.

       "Good Morning!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Waaaaaaaaaaaah!!!!!!"

        Napabalikwas ako sa kama at napatalon papuntang pinto.

           "A-anong g-ginagawa ninyo sa kwarto ko!!! Bakit ba sulpot kayo ng sulpot bigla bigla!!!" sigaw ko kay Sadako at dun sa kamukha ni Shomba na matandang kasama niya.

Yung multo sa thai horror film.

                    "Heto naman parang di na nasanay. Takot ka pa rin sa multo eh araw araw mo na ngang kausap si G!" sabi nung matandang kamukha ni Shomba.


            "I-iba si G! Tignan ninyo nga iyang mga mukha ninyo para kayong bida sa horror movies!" sagot ko.

         "Aba at papatulan ko na to!" lalapitan sana ako ni lola Shomba inawat lang siya ni Sadako.

     
           "Lola! Lalo mo lang siyang tatakutin sa gagawin mo. Ah kuya pasensiya na sa lola ko hah. Mainitin lang talaga ulo niyan." sabi pa nito.


           "Eh ano bang kailangan ninyo sa akin? Wag ninyong sabihin balak ninyo kong sapian! Mga evil spirit kayo siguro!" sabi ko.


        "Hindi! Hindi! Mababait kami. Kaibigan kami ni ate G." sabi ni Sadako.

        "B-bakit ganiyan iyang mga mukha ninyo? Bakit a-ang p-papanget ninyo?" tanong ko.

      "Hoy noong kabataan ko mas maganda pa ako kay Catriona at mas sexy kay Pia! Maraming lalaki ang naglalaway sa akin!" sabi ni lola Shomba.

     "Kelan naman, nung hindi pa uso tao?" sabi ko.

          "Aba't!!!" lalapitan pa sana ulit ako ni lola Shomba pero humarang si Sadako.



         "Dati kaming nakatira dito kuya. Yung bahay bago itinayo itong sa inyo ay amin dati bago nasunog at ipagbili ang lupa. Kaya ganito ang mga mukha namin ay dahil namatay kami sa sunog pareho ng lola ko." paliwanag ni Sadako.




                "Kayo ba yung may ari ng mga puntod na dinalaw namin ni G?" tanong ko.


       "Oo!" sagot ni lola Shomba.



"Nagpapasalamat kami dahil sa ginawa mong paglilinis at pagaayos ng mga puntod namin na napabayaan." sabi ni Sadako.



  "Wala iyon. Kay G kayo magpasalamat dahil siya ang kumimbinse sa akin na tumulong." sabi ko na hindi pa rin makatingin ng diretso sa mukha ni lola Shomba dahil sobrang nakakatakot.


              "T-teka nga. Magbalik tayo sa usapan bakit nga ba ginugulo ninyo ko? Anong kailangan ninyo?" tanong ko.


            "Wala kasi si ate G. Nagaalala kami dahil baka kung saan na napunta?" tanong ni Sadako.


              "Nasa hospital. May binabantayan lang na pasyente pero babalikan ko din siya mamaya. Siya na ang magkukuwento sainyo ng mga nangyari" paliwanag ko.


         "Ah! Buti naman ok lang pala siya. Salamat kuya pogi sa pagaalaga mo at pagtulong mo kay ate G. Wala kaming maitulong sa kaniya dahil parehas niya din kaming kaluluwa. Kaya swerte siya at nakilala ka niya." sabi ni Sadako.

             "Sana lang wag mong saktan dahil sa pagiging pa fall mo!" sabi ni lol Shomba.

         "Lola!!!" sigaw sa kaniya ni Sadako.

      "A-anong pa fall? kanino ako pa fall?" tanong ko.


       "Ah w-wala kuya pogi. Kung anu ano kasing pinapanood nitong si lola kaya lung anu anong nasasabi. Sige aalis na kami hehe!" sinenyasan niya si lola na aalis na sila.

      Tumango tango ako.

      "Teka! Pakisabi din pala sa kasambahay ninyo kapag nanonood naman ng korean drama pakilakasan ng bolyum, di ko na nga maintindihan di ko pa madinig. Kung hindi hihilahin ko ulit ang paa niya kapag natutulog siya sa gabi" sabi ni lola Shomba saka pareho silang naglaho.


        Napakamot na lang ako ng ulo. Mula ng mag ka third eye talaga ako hindi na naging normal ang buhay ko. Araw araw horror.
            
                  

GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now