Maliwanag Ang Buwan

117 6 8
                                    


Tumakbo ka, takbo! Wag kang hihinto!

Hindi niya ako pwedeng mahuli, hindi ako aalis ng hindi ko siya nakikita.

Pero paano?

Paano ko mahahanap ang daan pabalik saiyo?

Kaiser nasaan ka na ba talaga?

Binilisan ko pa ang takbo ko,

alam kong nasa likod ko lang si kamatayan,

alam kong hindi siya papayag na makatakas ulit ako sa oras na mahuli niya ako.

"Sa tingin mo ba talaga makakatas ka sa akin?"

"Aaaaaaaah!" napasigaw ako sa gulat dahil nasa harap ko na pala siya ngayon.

"Makakatakbo ka lang pero hindi ka makakatakas sa kamatayan." sabi pa niya.

Napaatras ako.

"Bakit ba gusto mo kong kunin? Paano pala kung kagaya ni Parker buhay pa rin ako? Kaya na-nagmamakaawa ako wag mo muna akong kunin. Kahit-kahit konti pang panahon. M-marami pa akong gustong gawin, gusto ko pang malaman kung sino talaga ako at bakit ako namatay, g-gusto ko pang mahanap ang lalaking iyon at masabi man lang sa kaniya kung gaano ako nagpapasalamat nakilala ko siya at kung-kung gaano ko siya kagusto." Di ko na mapigilan ang mapaiyak.

Maisip ko lang na hindi ko man lang nagawang magpaalam sakaniya ay parang nagdudurog na ako.


"Wala ka pa ring pinagbago, noong una tayong magkita ganiyan ka rin ka emosyonal, nagmamakaawa sa akin na wag ka munang kunin para sa taong minamahal mo. Ang sabi mo kailangan na kailangan ka niya kaya hindi ka matatahimik kapag iniwan mo siya ng biglaan." sabi ni Kamatayan.


"Anong- ano hong ibig ninyong sabihin?"


"Sinabi ko na dati pa walang multong nakakatakas sa akin. Kapag naawa ako sa kanila binibigyan ko sila ng isa pang pagkakataon balikan ang mga mahal nila sa buhay para makapag paalam sila."


"Kung ganun pala bakit gusto mo na akong kunin agad, ni hindi ko pa nga alam kung sino ako, wala akong maalala mula sa nakaraan ko kaya paano naman ako makakapagpaalam?" tanong ko.

"Ang bawat kaluluwa sa mundo ay may 49 days para tapusin ang mga dapat nilang tapusin. Pagkatapos ng 49 days at nasa lupa pa sila unti unti mawawala na ang mga ala ala nila noong buhay pa sila kahit mismong dahilan kung bakit sila namatay. After 49 days nakiusap ka sa akin na bigyan pa kita ng panahon. Naawa ako saiyo kaya naman nandito ka pa. Pero ngayon wala ng third chance, kailangan mo ng sumama dahil mapapagalitan na ako ng boss ko sa itaas." sabi ni Kamatayan.

Lumapit siya pero umatras lang ako.


"Hindi! Ayoko! Hindi pa ako pwedeng sumama saiyo! Pakiusap, kahit hindi ko na maalala ang nakaraan ko kahit makapagpaalam lang ako kay Kaiser, yun lang wala na akong ibang hihilingin pa." pakiusap ko ulit.

"Bakit ba nalalaman lang natin ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa atin?" tanong niya.

"Ha? Hindi ko maintindihan. Bakit ba ayaw mo na lang akong tulungan mahanap si Kaiser?"

Ngumiti lang si Kamatayan.

"May mga bagay na hindi kami pwedeng makialam. Ang tanging magagawa ko lang para saiyo ay bigyan ka pa ng limang araw. Pagkatapos nun wala ng pagkakataon pa kaya naman-- hanapin mo na siya at gawin mo ang dapat dati mo pang ginawa." sabi ni Kamatayan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now