Apart

67 4 2
                                    

                       
Lahat ng bagay may katapusan...

Alam kong isang bagay yun na hindi ko pwedeng takasan...

Pero kung eto na nga ang wakas...

Gusto ko sana muling makita ang mukha niya...

At masabi ko kung gaano ako kasaya na nakilala siya ...

Maaalala mo pa nga kaya ako kung isang araw bigla na lang akong maglaho?

Isipin ko pa lang na aalis na ako sa mundo na hindi ko nasasabi ang nilalaman ng puso ko naiiyak na ako ...

Ayokong maglaho sa mundong ito na hindi siya nakikita kahit sa huling pagkakataon lang...


"Nasaan? Sabi mo dito natin makikita iyang kakilala mong buhay? Pero kanina pa tayo patakbo takbo at paikot ikot di mo pa rin siya makita!" galit na sabi ni Parker.

Sinabi ko na sa kaniya ang nangyari kay kuya Mikoy at ang paghahabol sa amin ni Kamatayan.

Nasaan ka na ba Kaiser?

Nasaan ka na?

Sinabi ko kay Parker na matutulungan kami ni Kaiser pero hindi namin siya makita.

"Alamo imbes iasa natin ang lahat diyan sa buhay na kakilala mo magtago na lang tayo at tumakas. Tigilan na natin  ito, mamaya makasalubong pa natin si kamatayan masasayang lang ang pagsasakripisyo ni Mikoy." sabi ni Parker.


Di na ako nakakibo...

Gusto ko pa rin sanang hanapin si Kaiser

pero ayoko namang mahanap kami ni kamatayan at mapahamak si Parker.

Binilin siya ni kuya Mikoy sa akin.
At kagaya ko may mga unfinished business pa siya sa pamilya niya.

Naglalakad kami palabas sa parking lot ng hotel.

"Sabihin man natin o hindi malalaman at malalaman din naman niya ang totoo Ben! Hindi mo pwedeng itago iyon sa kaniya habang buhay!" natigil ako sa paglalakad at hinanap ang pamilyar na boses na iyon.

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ni Parker.

Pero di ko siya pinansin at mula sa likod ng isang itim ng kotse ay nakita ko si Charlie kasama sina Agatha at Warren.

Teka pati si Benedict?

Nasaan si Kaiser?

"Pero may usapan tayong lahat at akala ko naintindihan mong mabuti na walang kahit isa ang pwedeng magsabi kay Kaiser ng totoo about Luna hanggang hindi pa ako nakakaalis papuntang ibang bansa!" sabi ni Benedict kay Charlie.

"Hoy! Kilala mo ba iyang mga iyan? Isa ba sa kanila si Kaiser? Bakit hindi mo na lapitan at hingian mo na ng tulong?" sunod sunod na tanong ni Parker.

"Sandali." sabi ko na pinatatahimik siya.

"Alam ko but he's begging me to tell him the truth. Hindi ko na rin kayang maglihim. And believe me Benedict sinabi sa akin ni Kaiser na nagpapakita sa kaniya si Luna." sabi ni Charlie.


Pero tinulak lang siya ni Benedict.

"At naniwala ka naman? For all we know imagination niya lang iyon because of his medications!" sagot ni Benedict

"Tama na iyan guys! Mabuti pa sumunod na tayong Manila. Dinala na nina Selene at tita Allysa si Kaiser sa hospital dun." Awat sa kanila ni Warren.


GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now