Shark's Tale

60 4 0
                                    

                                        G'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


           
                            G'S POV

  REGRETS...



-Epekto ng mga maling desisyon sa buhay.



-Nararamdan ko ngayon.



Bakit nga ba ako sumama kung sana nakinig ako kay lola multo na wag pumunta baka hindi ako nagsisisi...


"Look Honey! Ang ganda ng beach!" sabi ni Selene kay Kaiser na daig pa dikya kung makapulupot kay Kaiser.



Mula sa loob ng sasakyan hanggang makarating kami dito sa San Juan, Batangas ay para na siyang koala na nakakita ng punong aakyatin.

Grabe makayakap kay Kaiser.

Eto na naman ako nagseselos kahit walang karapatan.


Sabagay siya ang jowa.

At gaya ng sinabi ni lola magiging invisible  third wheel lang ako dito.


Nakarating kami sa Hotel na tutuluyan namin.


Malaki at mukhang yayamanin iyon ang una kong napansin.



Sinalubong sila Kaiser ng isang babaeng morena at maganda at kung maglakad parang beauty queen kasama yung lalaking nakaakbay sa kaniya na chubby at mestiso.


"Kaiser! Selene! We're glad you're here!" sabi nung babae na bineso muna si Selene bago si Kaiser.



"Bro! Kamusta na Thank God you're still alive and kicking! At eto pa nga at nagkabalikan pa kayo" sabi naman nung lalaki na parehong niyakap si Selene at Kaiser.


" Gwen, Harry pwede ba kaming mawala sa kasal ninyong dalawa! We are super excited lalo na at isa ako sa bridesmaid." sabi ni Selene.



"I still remember sabay pa tayong naging mag on noong college mas mauuna pa nga sana kayong ikasal kaso nagkahiwalay kayo at-"


Natigilan si Gwen siguro na realize niya na medyo awkward na yung sinasabi niya.


"Ah- mahal ko, past is past na we are here to celebrate the present and the future." saway sa kaniya nung Harry na Fiance niya.


Tinitignan ko si Kaiser nakangiti siya pero alam kong pilit lang ang mga iyon.



"Oh! I'm so sorry alam naman ninyo dati pa me and my big mouth!" sabi ni Gwen.



"It's ok Gwen ang importante ay nagkabalikan kami ni Kaiser we realized that we can't live withouth each other." sabi ni Selene na mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa braso ni Kaiser.



"Ah- mabuti pa umakyat na muna kayo sa rooms ninyo by the way Gwen's family have a  tradition,that brides maid should be all in one room as well as groomsmen kaya Kai you have a separate room from Selene." sabi ni Harry na inakbayan pa si Kaiser.


GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now