Surprise

71 3 1
                                    

                     Author's POV

            Nakauwi na si Kai sa bahay kasunod si G.

Sinalubong agad si G nung dalawang mag lola. Na sobra sobra ang pasasalamat sa kaniya.

              Samantalang si Kaiser ay dumiretso sa kwarto niya.
             

   "Salamat talaga saiyo iha! Kung hindi dahil saiyo baka hindi maayos ang mga puntod namin." sabi ni lolang multo.

       "Oo nga ate saka nagpapasalamat din kami kay kuya pogi kasi pumayag siya." sabi naman ni Jelyn, ang dalagitang multo.

       "Wala iyon. Sino-sino pa nga bang magtutulungan kundi tayo tayo din. Saka kanina may natuklasan akong isang bagay." sabi ni G sa mag lola.

"Ano?" tanong ni Jelyn

"Eh kasi sabi nung mga batang multo sa sementeryo bihira daw silang makakita ng kagaya kong multo na walang sugat o walang bali sa katawan. Sabi pa nila maari daw mang yari yun sa isang kaluluwa kung namatay siya sa sakit" kwento ni G.

"Tama nga sila. Kung ganon naniniwala ka na baka namatay ka sa sakit?" tanong ni Jelyn.

Tumango tango si G.

"Kung namatay nga talaga ako sa sakit ano kayang klaseng sakit yun?" Napabuntong hininga si G.

Lumabas ng mommy ni Kai sa sa salas at may dala dalang mga folders at envelopes. Naupo ito sa sofa sa salas.

"Kagaya ng Daddy ni Kaiser. Namatay siya sa cancer kaya kapag death anniversary niya at dinadalaw ang pamilya niya dito wala din siyang mga sugat o bali kumpara sa amin na may mga sunog sa ilang parte ng katawan namin dahil namatay kami sa sunog." kwento ni lolang multo.

"Siguro dapat kong sabihin kay Kaiser ang nalaman ko. Baka makatulong dun sa private investigator." Aalis na sana si G at pupuntang kwarto ni Kai ng may magdoor bell.

"Mukhang may bisita ah?" pagtataka ng matandang multo dahil maggagabi na.
        

      Ang kasambahay ang lumabas para buksan ang gate.
            

          Maya maya ay pumasok ang hindi inaasahan na bisita.

       "Oh Selene!" tumayo ang mommy ni Kaiser at nilapitan agad ng dalagang dumating.

"Good evening po auntie!" nagbeso ang dalawa.

"Anong ginagawa niya dito?" tanong ni G.

"Nakaalis na ba ang parents mo?" tanong ng mommy ni Kai.

"Ah opo, they are really happy to see you again auntie. Pag balik daw po nila let's have dinner together." sagot ni Selene.

Tumango tango ang Ginang.
"Ah teka alam ba ni Kaiser na pupunta ka?" tanong ng mommy ni Kai.

"Ahm niyaya ko po siya na mag dinner sa labas. Kaya pinuntahan ko na po siya dito because I know you will not allow him to drive on his own." nakangiti pang sagot ni Selene.

"Wow may date pala sila ni kuya pogi!" sabi ni Jelyn.

"Great iha para di na makatanggi. Teka ipatatawag ko kay manang." sagot ng mommy ni Kaiser

Pero bago pa matawag ng mommy ni Kaiser ang kasambahay para tawagin ang anak ay naglaho na si G para puntahan si Kaiser

Sa Room...

                   "Kaiser!"
     

"Ay Juskopo!" Napapikit na lang si Kaiser para maalis ang kabog ng dibdib sa gulat.

           "Nandiyan si Selene!" balita ni G kay Kaiser.

Saka natigilan si G kasi napansin niyang bagong shower ito at bihis na bihis.

"S-saan ka pupunta?" tanong ni G. saka lumapit kay Kaiser na busy sa pagsusuot ng coat.

"Selene and I will go out for a dinner." sagot ni Kaiser.

Natigilan si G.

"A-akala ko ba hindi ka pa sure kung mahal mo pa siya? Ang sabi mo you will think about it first if you still want her in your life again" tanong ni G kay Kaiser na napatingin sa seryoso niyang mukha.

"Oo nga. Pero kasi I just realized hindi ko malalaman kung mahal ko pa nga talaga siya kung hindi ko bibigyan ng second chance ang relationship namin." sagot ni Kaiser.

       "So makikipagbalikan ka na sa kaniya? Yun ba yun?"

Tumango si Kaiser.

"Yes G! Marami rin kaming pinagsamahan ni Selene. Siguro nasa plano na rin ng kapalaran na maaksidente ako at ma comatose noon para iwan ni Selene ang trabaho abroad at bumalik dito" sabi ni Kaiser.

Napalunok si G bigla kasi siyang nakadama ng bigat sa dib dib. Para bang may dumagan na 10 wheeler truck.

"Don't worry nothing will change. I will still help you." sabi ni Kaiser saka lumabas ng kwarto at iniwan siya magisa.
             
                       
             
                       

       

GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now