Dealing with the PAST

100 2 0
                                    

Nagpunta kami sa Restaurant ni Charlie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagpunta kami sa Restaurant ni Charlie. More on asian cuisine sila. Charlie is a Chef. Siya ang nagmana ng restaurant nila from his Dad na nag retire na kasama ng mommy niya sa Switzeraland so basically he is living alone. Kaya nga he can do whatever he wants in his life.

"Seleeene!" patakbong lumapit si Agatha kay Selene pagkakita pa lang. Hindi na ako magtataka because they are bestfriend since college. Agatha is a famous T.V personality now. Host siya ng isang sikat na noontime variety show.

"Grabe wala kang pinagbago. Ang ganda at ang sexy mo pa rin!" sabi agad ni Agatha.

"Pareho lang naman tayo. Pwera na lang sa short hair na super bagay saiyo" sagot din ni Selene.

"Sus nagbobolahan pa kayo! Pareho kayong magaganda at sexy!" sabi naman ni Warren.

Warren is Agatha's boyfriend. Naging sila after college. Warren is a businessman/ Pilot.

"Wow magkasama ba kayo ni Kaiser pumunta dito?" tanong ni Charlie.

"Kasama namin si Benedict. Naiwan sa parking may kausap pa sa phone." sabi ko ayoko kasi nung mga tingin nila sa amin ni Selene na parang nang iintriga.

"Kung ganon tara na pinaready ko ang pinakamagandang pwesto dito sa resto just for you guys!" sabi ni Charlie.

Malaki ang restaurant ni Charlie. May place para sa mga special events. Isang malaking room na may mahabang table.

"Wow ang laki na ng restaurant ninyo Charlie. Last na nandito ako wala pa tong area na to." bati ni Selene.

"Naisip ko kasing madami nang pumupuntang corporate personnel dito for private meetings kaya pinagawa ko ito. Ang brainy ko pa rin di ba?" at kumindat pa si Charlie kay Selene.

"Oo na!" natawa si Selene.

"Tama na ang kwento about kay Charlie. We are more interested to you Selene!" sabi ni Agatha

"Eto naman parang 3 months lang nung huli nating nakita si Selene. Nung umuwi siya for Kaiser." sabi ni Warren.

Napatingin sa akin si Selene.

"Oo nga no? Pero Selene sure ka na bang for good ka na dito sa Pilipinas? As in wala nang balikan sa Milan?" tanong ulit ni Agatha.

"Wala na. Naayos ko na ang mga dapat ko ayusin sa Milan." sagot ni Selene.

"Yehey!" sabi ni Agatha at pumalakpak pa.

"Para kang bata." saway sa kaniya ni Warren.

"Eh ano ng plano mo niyan? Magbubukas ka ba ng botique?" tanong ni Charlie.

"Hindi pa muna siguro. Pero kinukuha ako nung kaibigan kong owner ng modelling agency. " sagot ni Selene.

Tumango tango silang tatlo kay Selene.

"Eh ikaw Kaiser, after mong magpahinga do you have any plans?"tanong sa akin ni Selene.

Tinignan din ako nung tatlo na para bang may hinihintay sila na marinig sa akin.

"Plans? Ah. Same pa din naman, yung studio ko. Yun pa rin. May dapat ba akong baguhin?" natahimik silang lahat. I know hindi yun ang ine-expect nilang marinig mula sa akin.

"Hey! Sorry nahuli ako. Napakakulit kasi nung kausap ko sa phone." sabi ni Benedict na kadadating lang at naupo sa upuan sa gitna namin ni Selene.

"Ah mag c-c.r lang ako. Excuse me." sabi ko at tumayo.

Sa C.R.

Hindi naman talaga ako na babanyo. Ayoko lang ng awkward vibe na naramdaman ko kanina. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para icheck ang oras.

"Huy!"

Muntik ko na mahulog ang cellphone ko sa gulat.

"Ano ba? Papatayin mo ba ako? Siguro plano mong patayin ako para makasama mo sa kabilang buhay?" sabi ko at hinawakan ang dib dib ko.

"Ang O.A mo na naman!"

"Psh!" sabi ko lang.

Ngumiti siya saka lumapit sa akin.

"Eh teka ano bang ginagawa mo dito sa C.R? Nakita ko yung table ninyo kanina. Jusko ang daming pagkain! Mukhang masasarap lahat!" sabi pa niya na parang kinikilig.

"Baka maglaway ka pa niyan ha?" pang aasar ko. Inirapan niya ako.

"Eh ano nga bang ginagawa mo dito? Bakit kanina ang awkward mo habang kausap yung babaeng payat na maganda? Para siyang model. Ngayon ko lang siya nakita. Sino ba siya?"

Tinignan ko siya.

"Pwede ba ,nilalabag mo na naman yung rules natin. Una yung tungkol sa privacy sunod etong pagtatanong mo sa personal kong buhay. Kung gusto mong tulungan pa kita wag mong labagin yung agreement natin."

Natahimik siya saka yumuko.

"Sorry, nag aalala lang naman ako na baka-"

"Ikaw nag aalala? Di ko kailangan ng pag aalala mo. Alalahanin mong sarili mo" sabi ko.

Tumingin siya sa akin na para bang naiiyak. Tapos bigla siyang naglaho.

Buti pa siya kayang maglaho kung kailan niya gusto. Samantalang ako stuck up sa lugar at mga bagay na ayoko ng balikan.




GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now