FEAR EXIT

59 1 0
                                    

                     
                        KAI'S POV

               "Oh aalis ka?" tanong ni mommy paglabas  ko ng kwarto.

        Nangako ako kay G na babalikan ko siya ngayon sa hospital.

     "Ah s-sa restaurant po ni Charlie." pagsisinungaling ko.

       Ayaw ko man mag lihim hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoo na may nakakausap akong multo.

         "Pupunta ka  sa restaurant ni Charlie ng ganitong kaaga? Di ba't mamayang 11:00 a.m pa mag bubukas iyon?" tanong ni Mommy.

        Nasa mukha pa rin niya ang pagtataka.

    "Ah. H-hindi naman po sa mismong restaurant. Pinapupunta niya ako sa office niya. Na nasa taas ng restaurant niya. Don't worry mommy maaga po akong uuwi." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.


      "Teka dalhin mo yung kotse. Mag ta-taxi na lang ako." sabi ni mommy.


       "Hindi na po. Nakapag pa booked na po ako sa Grab. I'll just wait outside" sabi ko.

    "Wait mag breakfast ka muna." pahabol ni mommy.

       "Di na po. Bye mom!" nagmamadali ko nang paalam para di na siya magtanong pa at para di na rin madagdagan ang pagsisinungaling ko.

      
                  *************
                 AUTHOR'S POV

          Nakatingin lang si G sa mukha ni Sabrina habang nagkwekwento ito sa mga pulis na humahawak ng kaso.

      "Araw araw ho kami halos mag away ng asawa ko. Lagi niya hong iniisip na tumatakas ako sa bahay para makipagkita sa kung sinu-sinong lalaki. Ang mommy ni Dave lagi niyang kinukwentuhan si Dave ng mga kasinungalingan. Hindi ko akalain na pagtatangkaan  akong patayin ng asawa ko." umiiyak na kwento ni Sabrina.

       Inabot ni G ang kamay ni Sabrina para sana hawakan pero tumagos lang ito. Napabuntong hininga na lang siya.

        Maya maya pa ay nag paalam na ang mga pulis kay Sabrina.

           "Danica, nasaan ang katawan ng asawa ko? Nailibing na ba siya?" tanong ni Sabrina.

  "Pinacreamate siya ng ilan nilang kamag anak na nag asikaso sa kaniya. Yung daugther naman ninyo nasa DSWD pero baka payagan nilang padalawin saiyo kapag pinakiusapan ko tutal magaling ka naman na."  nakangiting sagot ni Danica.

        "Salamat sa lahat Danica. Mapalad pa rin ako dahil may mga taong tulad mo." sabi ni Sabrina at hinawakan ang kamay ni Danica.

           "Wala iyon. Sino pa nga bang mag tutulungan kundi tayong magkakalapit condo" natatawang sabi ni Danica.

     Tiningnan ni G ang mga kamay nila Danica at Sabrina na magkahawak kamay pa din.

        Napayuko siya saka tinignan ang sariling mga kamay na tumatagos lang sa tuwing hahawak ng kahit anong bagay.


        "Ah Sabrina may gusto lang akong malaman. Totoo bang wala kang kakilalang kahit isang sarili mong kamag anak. Sabi mo lumaki ka sa orphanage dati hindi ba?" tanong ni Danica.

  Tinignan ulit ni G si Sabrina sa mukha.

   Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sabrina.


GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon