Pika Pika

63 5 1
                                    

      

                  
               "Aray aray masakit! Wag mong hilahin ang tenga ko!" sabi ko sa kaniya.

                  Lasing na lasing na siya.


      Kanina kasi ay natakot akong iwan siya mag-isa kaya naman ng magyaya siyang uminom ay sinamahan ko siya.


                "Pikachu ikhaw ba iyan?" tanong niya habang hila hila pa rin ang  Kaliwang tenga ko at tatawa tawa.


     "Anong Pikachu? Hindi si Kaiser to at tenga ko iyang hinihila mo." sabi ko.



"Ay shorry! Hihihi ang cute mo Pikachu!" sabi niya saka binitawan ang tenga ko.



"Para ka palang si Charlie kapag nalalasing. Tara na uuwi na tayo saan ba bahay mo?" tanong ko saka inalalayan siyang maglakad.


"Pikachu saan mo ko dadalhin?" sabi niya na tuwang tuwa.



Kanina lang iyak siya ng iyak ngayon tawa naman na siya ng tawa.



Weird talaga nito.



"Iuuwi na kita sa bahay ninyo. Baka hinahanap ka na sainyo. Sabihin mo sa akin ang address mo " sabi ko hinanap kung saan ko ba pinark ang kotse ko.



"Bakit umiikot ang paligid? Pikachu nagtatalunan ang mga buildings." sabi niya na humawak pa sa braso ko ng mahigpit.



"Hindi lumilindol, lasing ka kaya umiikot iyang paningin mo." sabi ko saka inalalayan pa ulit siya maglakd ng matanaw ko na kung saan nakaparada ang kotse.



Napansin kong may kinakapa siya sa bulsa niya.



"Anong hinahanap mo? Cellphone mo ba? Naiwan mo ba sa loob?" tanong ko.



Seryoso siyang tumingin sa akin pero dahil lasing ay mapungay na ang mga mata niya.



"N-nawawala!" sabi niya.



"Ang alin?" tanong ko.



"Yung-yung Pokeball ko. Nawawala!" sabi niya saka umiyak.



"Pokeball?" nagtataka kong tanong.



"Nawawalah! Yung Pokeball kooh!" nagiiyak niyang sabi.


"Si Squirtle nasaan siya? Naiwan natin siya Pikachu!" dagdag pa niya.



Haaay ang kulit...


"Wag kang mag-alala Misty hahanapin natin ang pokeball mo.  Baka naiwan mo lang sa bahay ninyo. Saan bang bahay ninyo?" tanong ko na pinapatahan na siya.



GHOST LIKE YOU  (Guǐ)Where stories live. Discover now