Ten

1.1K 21 6
                                    

Hannah's POV

            We parked our car at the parking lot of the mall. Hindi naman gaanong matao dito sa parking lot.

             Pagpasok namin sa loob ay agad ng umagaw ng atensyon ang babaeng kasama ko. Napakunot ang noo ko dahil nagbubulungan ng ang mga tao at inilalabas ang camera nila. Seriously? Bakit ba kasi ang ganda masyado ng kasama ko? Masyadong agaw pansin.

       I put my hand on her waist and hinila ko sya papalapit sakin at nagsimula na kami maglakad nang may nakita akong shop. Hinila ko siya na may pagtataka. I told her to wait.

       Pagbalik ko ay medyo marming tao na ang naaagaw ang atensyon habang siya ay nakatingin lamang sa phone. Agad ko siya nilapitan at isinuot sa kanya nag cap na nabili ko.

       Magrereklamo pa sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin. Masyado na syang pansin ng mga tao.  Pumunta na kami sa isang Italian Restaurant at dumiretso sa cashier.

      "Goodafternoon, Mam. What's your order?" sabi ng cashier. Babae siya, may katangkaran, maputi at medyo singkit ang mata nito. Sumilay ang pilyang ngiti sa labi niya at napansin kong hindi nakabutones ang unang butones nito.

     Napangiwi naman ako ng may kumurot sa tagiliran ko. Tiningnan ko si Sandra at sinamaan ko siya ng tingin. Ang sakit nun ah. Tinaasan niya lang ako ng kilay at ibinalik ang tingin sa mga foods.

     

      Pagkatapos naming umorder ay dumiretso kami sa pinakasulok na upuan. Hindi ko rin alam kung bakit sa pinakasulok dahil si Sandra naman ang pumunta dito.

      Tahimik lang kami habang hinihintay ang order namin. Tiningnan ko siya ng may bigla akong naalala.

      "Bakit ka nga pala nasa school ko kanina?" tanong ko.

       Nagtataka kasi ako kung bakit bigla na lang siyang sumulpot kanina. Habang hinihintay ang sagot niya ay kinuha ko ang salamin ko sa bag at tiningnan ang mukha ko. Grabe talaga yung mga cheerleaders na yun.

       "Someone called me." she said.

       Yun lang? Ibinaba ko ang salamin at nagtama ang mata namin. Nakatingin pala siya sakin all this time?

       She sighed and kinamot ang ulo niya. May kuto ba siya? Mukhang frustated siya.

      "Sit here." napatingin ako sa kanya ng umimik siya. Ano daw?

      "Ha?" I asked. Malay ko ba kung ako ang kausap niya.

      "Damn! I said sit here." she said again while pointing at the chair beside her.

       "Bakit naman? Okay lang naman upuan ko dito." I said.

        "Can you just do what I'm saying?" reklamo niya.

       Bakit ba kasi? Sumunod na lang din ako at lumipat sa tabi niya. Baka mamaya mag-skandalo pa siya dito. Knowing this girl, iba rin siya mag-isip.

       "Damn!" she whispered but loud enough para marinig ko.

       Ano na namang problema niya at nagsasarili siya? Konti na lang iisipin ko may sapak talaga siya.

      "Damn it. Fuck!" she said again.

       Ano ba talagang meron? Lumingon-lingon ako at wala namang mali sa nakikita ko. Napadako ang tingin ko sa babaeng nasa cashier kanina. Nakatingin siya dito at nginitian ako, nginitian ko na lang din siya.

       "Damn! Are you seriously flirting in front of me?" she suddenly asked. What?

      "Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?" takang tanong ko.

ArrangedWhere stories live. Discover now