10 - Crush Daw

970 103 5
                                    

Dondi's POV

Naloko na, pahamak naman itong si Jun eh. Ayos na sana eh, lalabas pa tuloy ngayon ako ang nagsamantala.  Mas nakakahiya kapag nalaman pa ni Mama Rio, baka isipin nun masamang tao ako. 

"Grabe, starstruck ka ba kay Anna, kaya hindi mo maalis ang tingin mo? Ang layo na nila ni Jun oh pero nakatingin ka pa rin" narinig ko sabi ni Ate Judith

"Hindi ah" sabi ko syempre naman itatanggi ko kasi siguradong hindi ako titigilan nitong si Ate Judith sa panunukso

"Asus, eh kanino ka nakatingin? Kay Jun? Don't tell me, type mo si Jun" sabi ni Ate Judith

"Lalo naman hindi." Biglaan kong pagtanggi.  "Mukhang nagalit kasi sa akin si Anna" pagtatapat ko.  Sa mga teller kasi dito sa bangko, itong si Ate Judith ang mas napalagayan ko ng loob.  Parang ate na kasi ito ng lahat.

"Bakit ano ba ginawa mo?" tanong nya.  "Parang ok naman kayo kanina ah" sabi nya

"Kanina yun, eto kasing si Jun eh, pinahamak ako" sabi ko at walang choice kundi magkwento kay Judith

"Ay engot ka." Ang tanging nasabi ni ate Judith matapos kong ikwento ang engkwentro namin ni Anna.  "Magagalit nga yun sa iyo" sabi ni Ate Judith

"Nakakahiya kay Mama Rio kapag nalaman nya.  Hindi malayong magsumbong si Anna sa kanya. Baka sabihin nun, mapagsamantala ako" sabi ko

"Mabait naman si Mama Rio, magpaliwanag ka lang ng maayos kapag sinita ka nya" payo ni Judith.  "At pagdating naman kay Anna, mabait na bata naman yun, masipag at matalino pa.  Kaya nga mahal na mahal ni Mama Rio yan eh.  Pero nature na nya talaga na masungit sa mga hindi masyadong kilala.  Kapag naging close kayo nyan, siguradong magiging sweet na yan sa iyo at hindi ka na nya susungitan" sabi ni Judith

"Nasaan ang mabait Ate Judith?" sarkastikong tanong ko

"Alam mo, sa konting panahon na magkasama tayo sa trabaho, kahit papaano nakakabisado na kita.  Sa dinami-dami ng nagpapacute o kahit na nagsusungit sa iyo dito, kay Anna ka lang ganyan kaapektado.  Umamin ka, may crush ka kay Anna no" sabi ni Judith

"Anong crush ang sinasabi mo dyan Ate Judith" pagtanggi ko

"Maang-maangan pero hindi naman nag-deny" sabi ni Ate Judith. 

"Alam mo ikaw Ate Judith, kung anu-ano yang pumapasok sa isip mo" sabi ko na lang kasi kahit ako nagtaka sa sarili ko bakit nga ba simple 'hindi' lang ang isasagot ko eh hindi ko pa nasabi.

"Aminin mo na kasi, hindi ko naman ipagsasabi, atin-atin lang" pagpapatuloy nyang sabi

"Nagagandahan lang naman ako sa kanya, kaso nga sobrang sungit eh" sagot ko

"Oh eh di crush mo nga" sabi ni Ate Judith at sinabakan pa ng malakas na tawa "Gusto mo ba tulungan kita kay Anna?" tanong nya

"Anong tulong ang pinasasasabi mo dyan Ate Judith?" pabalik kong tanong sa kanya

"Tulungan kitang manligaw kay Anna" mabilis na sagot ni Ate Judith

Susmaryosep, sinabi ko lang naman na nagandahan ako kay Anna, ni hindi ko nga inamin na crush ko tapos biglang ligawan na ang sinasabi nitong si Ate Judith.  Grabe lang itong si Ate Judtih, sobrang advance mag-isip.  "Manligaw? Wala akong balak manligaw sa kanya at kahit kanino pa Ate Judith.  Wala akong panahon sa mga ligaw-ligaw na ganyan kaya pwede ba tigilan mo na nga ako" sabi ko

"Ok sabi mo eh, pero kung kailangan mo ng tulong ko magpasabi ka lang ha" makahulugang komento ni Ate Judith bago bumalik sa teller's booth.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon