Anna's POV
Pagkakita ko sa kotse ni Dondi na nakaparada sa harap ng bahay namin, lalo akong nag-alala. Kahit alam kong alam nya na ihahatid ako ni sir Angelo, nag-aalala pa rin ako kasi dumating kami sa bahay nang lagpas na sa sinabi kong oras sa kanya, maliban pa sa hindi ako sigurado kung nakarating ba sa kanya yung huling text message ko bago nag-empty-batt ang telepono ko.
Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na ipinagbukas na pala ako ni Sir Angelo ng pinto ng kotse nya. “Thank you po, Sir Angelo.” Sabi ko pagkababa ko ng kotse.
“Thank you din sa pagtulong mo sa amin sa event.” Sabi ni Sir Angelo.
“Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho pauwi.” Sagot ko.
“Halika, ihahatid na kita hanggang sa loob ng bahay nyo.” Sabi ni Sir Angelo.
“Naku, hindi na po kailangan ,Sir. Kaya ko na po ito. Saka wala pong mangyayaring masama sa akin sa sarili naming bahay.” Sabi ko.
“Pwede ko bang makausap ang parents mo? Gusto ko kasing magpasalamat sa pagpayag nila na mag-extend ka ng oras ngayong araw para samahan kami sa event.” Sabi ni Sir Angelo.
Para sa akin, hindi naman na kailangang magpasalamat kay Mama Rio at Nanay Bella kasi alam kong naiintindihan naman nila bakit ginabi ako ng uwi ngayon. Pero baka kung ano ang isipin ni Sir Angelo kapag tumanggi ako. “Nagpaalam naman po ako kay Mama at pinayagan ako. Hindi nyo na po kailangang magpasalamat sa kanila.” Sabi ko.
“Para sa akin, iba pa rin kung ako mismo ang magpapasalamat sa kanila. Nakakahiya kasi na inabala ka pa namin eh hindi mo naman trabaho yun.” Sabi ni Sir Angelo.
“Teka lang po, Sir. Di po ba sabi nyo counted yung event sa number of hours ko, paano po yu eh sabi nyo hindi ko naman trabaho yung sumama sa event.” paglilinaw ko.
“Oo naman counted sa number of hours mo yung pagtulong mo sa event. Yung pagtulong mo ang ibig kong sabihin. Kahit hindi mo naman trabaho tinulungan mo pa rin kami.” Sagot ni Sir Angelo.
"Wala naman po akong ginawa kundi magbantay ng gamit ni Ms. Jenica at Gemma." Sagot ko.
“Cristina, ikaw na ba yan, anak.” Narinig kong tawag ni Mama Rio sa akin.
“Opo Ma.” Sagot ko kay Mama Rio. “Sige po, Sir Angelo, pasok po kayo sa bahay namin.” Sabi ko para hindi na lang humaba ang pangungulit ni Sir Angelo.
Sa ilang araw na nakatrabaho ko itong si Sir Angelo alam ko na hindi ito titigil ng pangungulit hanggang sa makuha nya ang gusto nya. Ayokong isipin nya na binibigyan ko ng malisya ang kagustuhan nyang magpasalamat kila Mama kahit ilang beses kong sabihin na hindi naman na kailangan.
“Ma, hinatid po ako ni Sir Angelo.” Sabi ko Mama Rio bago ako nagmano.
“Inabala mo pa ang boss mo nagpasundo ka na lang sana kay Dondi.” Sabi ni Mama Rio.
“Sir Angelo, tatay ko po, Mario Carillo.” Pakilala ko kay Mama Rio.
Nakita ko kung paano saglit na natigilan si Sir Angelo bago sya nakapagsalita. Kasi naman itong si Mama, nakadaster lang.“Magandang gabi po.” Bati ni Sir Angelo kay Mama.
“Magandang gabi naman po, Sir. Maraming salamat po sa paghatid dito sa anak ko.” sabi ni Mama Rio.
“Wala pong problema.” Sagot ni Sir Angelo.
“Pasok ka muna, sir at nang makapagkape.” Sabi ni Mama Rio.
YOU ARE READING
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...