Dondi's POV
"Ang akala ko, nagkita na kayo ng Nanay mo." Sabi ni Mama Rio na ikinagulat ko kasi ngayon ko lang ulit narinig ang tungkol sa nanay ni Anna.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Anna, kasi matagal syang hindi nagsalita, at blanko ang mukha. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip at puso nya.
“Anong sinasabi mo Ma?” tanong ni Anna kay Mama Rio, makalipas ang ilang sandali.
“Kalimutan mo na ang sinabi ko, yung issue nyo ni Dondi ang pag-usapan natin.” Paiwas na sagot ni Mama sa tanong ni Anna tungkol sa nanay nya.
“Hindi pwede, Ma. Ikaw ang nag-umpisang magbanggit ng tungkol sa nanay ko, ibig sabihin alam mo na kung nasaan sya. Nasaan ang nanay ko, Ma?” pamimilit ni Anna sa kinikilala nyang tatay, at ngayon ko lang sya nakitang ganito kausapin si Mama Rio.
“Alam kong sa aking nanggaling ang usapin tungkol sa nanay mo. Pero hindi naman yun ang ipinunta ni Dondi dito. Pumunta ka muna sa kwarto mo, gusto kong maka-usap si Dondi nang kaming dalawa lang.” sabi ni Mama Rio.
“Lagi namang ganyan eh, kapag tungkol na sa nanay ko ang topic, umiiwas ka na lang palagi.” Pagmamarakulyo ni Anna.
“Cristina, utang na loob, dun ka muna sa kwarto mo at hayaan mo munang mag-uusap kami ni Dondi. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa nanay mo.” Mahinahon mang sabi ni Mama Rio pero alam kong nagpipigil lang syang ilabas ang saloobin nya.
“Pero Ma …” sagot ni Anna.
“Cristina, pumunta ka muna sa kwarto mo. Sundin mo muna ako, pakiusap anak, hangga’t nakakapagtimpi pa ako.” Sagot ni Mama Rio at iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng takot sa kanya.
Walang nagawa si Anna kundi ang iwan kaming dalawa ni Mama Rio sa sala. Nanatili akong nakatayo kasi hindi ko alam kung uupo ba ako o mananatili na lang kaming nakatayo habang nag-uusap. Hindi ako makatingin kay Mama Rio, pero ramdam ko na halos saksakin ako ng mga matalim nyang tingin sa akin.
“Alam kong bakla ako Dondi, pero lalaki akong makipag-usap. Lahat ng sinasabi ko galing sa puso ko. Kaya nung sinabi ko sa iyong ayos lang na makipagkaibigan ka sa anak ko, bukal sa kalooban ko yun, pero may kundisyon ako di ba, hindi pa pwedeng ligawan si Anna. Bakit ngayon sinasabi nyong may relasyon na kayo?” pag-uumpisang sinabi ni Mama Rio at dahil sa mga salitang yun, gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.
“I’m sorry po.” Ang tanging mga salitang kinaya kong sabihin.
“Kelan pa naging kayo ng anak ko?” tanong ni Mama Rio.
“Mahigit isang lingo na po.” Sagot ko.
“Ibig sabihin, mahigit isang linggo nyo na akong niloloko. At ikaw Dondi, ikaw ang lalaki di ba? Araw-araw nagkikita tayo sa bangko, pero wala kang sinasabi sa akin.” Sabi ni Mama Rio.
“Pasensya na po, alam ko po mali yung ginawa ko, sana po maniwala kayong malinis ang intensyon ko kay Anna.” Sabi ko.
“Maniwala sa iyo? Eh traydor ka, paano pa ako maniniwala sa mga sinasabi mo ngayon.” Sabi ni Mama Rio at ramdam na ramdam ko yung talim ng salita nya.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...