59 - Monologue

959 130 18
                                    

Anna's POV

Hanggang sa magbyahe kami pauwi, hindi ako kumikibo, wala talaga ako sa mood makipag-usap sa lalaking maputla. At dahil ilang beses na nyang sinabing magpapaliwanag sya, nagdesisyon akong tulugan na lang sya sa byahe namin pauwi.

Ang tutoo, hindi naman talaga ako tulog, hindi ako makatulog dahil sa walang habas ng papulit-ulit na pagtapak ni Tisoy sa preno na parang nananadya. Pero kung sa tingin nya papatulan ko yung pang-iistorbo nya sa tulog ko, pwes neknek nya.

"Alam ko naman hindi ka talaga tulog." Narinig kong sinabi nya, pero tuloy pa rin na pikit ang mga mata ko. "Since ayaw mo naman akong kausapin, mas maganda sigurong mag-monologue na lang ako. Nasa sa iyo na yan kung maniniwala ka sa akin o hindi, ang importante makapagpaliwanag ako sa iyo." Patuloy na sabi ni Dondi.

Parang may katwiran ang lalaking maputla, mukhang hindi effective ang deadma style ko. Feeling ko naisahan nya ako. Ayoko syang kausapin kasi ayokong marinig ang paliwanag nya kasi naiirita pa akong marinig ang pangalan ng Daphne na yun. Matagal ko nang alam na crush ni Daphne si Dondi, si Stephanie ang nag-sabi sa akin, at sya rin ang nagsabi sa akin na nakita nyang magkasama si Daphne at Dondi na kumakain sa canteen. Wala akong ginawa noon kasi hindi ko naman sya tutoong boyfriend dati. Ang kapal naman ng mukha ko kung mag-iinarte ako noon eh fake girlfriend lang naman ako. Pero noon yun, iba na ngayon.

"Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon, pero sana makinig kang mabuti sa sasabihin ko sa iyo. Sung" Patuloy na pag monologue ni Dondi at wala na talaga akong choice kundi ang makinig sa anumang sasabihin nya.

Tinawag na nya ako ulit ng Sung, samantalang kanina isang malakas na 'Anna' lang nung kasama nya ang baabeng yun. Grabe na-hurt ako sa ginawa nyang yun ah. Hay naku, naalala ko na naman, kaya umiinit na naman tuloy ang ulo ko.

"Sorry kung hindi ako nakapag-text sa iyo kung nasaan ako, akala ko kasi sandali lang kami ni Daphne sa canteen, hindi ko naman alam na ganun pala kalakas kumain ang babaing yun." Sabi ni Dondi.

Akala mo mukha mo Tisoy, maraming namamatay sa akala. Si Jose Rizal nga, akala nya ipapasyal lang sya sa Luneta, babarilin na pala sya ng mga gwardya sibil.

"Sana maniwala ka na tinanggihan ko naman yung imbitasyon nya na kumain kami sa canteen pero mapilit lang talaga sya." Patuloy na sinabi ni Dondi.

Nakatanggi na pala sya eh, bakit napilit pa rin sya? Lokohin mo lelong mong panot, tisoy.

"Pinagtitinginan na kasi kami, kaya para matigil na lang sya, sinamahan ko na sya sa canteen. Sabi ko nga kanina, hindi ko inaasahan na sobrang dami ng oorderin nya, kasi sinabi ko sa kanya na hindi naman nya ako kailangang ilibre kasi hinihintay ko lang yung girlfriend ko para sabay na kaming mag-dinner. Pero mapilit pa rin syang ibili ako ng burger. Pasensya ka na, Sung. Hindi ko natiis na hindi kainin yung burger kasi gutom na gutom na talaga ako eh." mahabang paliwanag ni Dondi.

Grabe sya, hindi man lang sumagi sa isip nya na baka may kung anong inilagay ang Daphne na yun sa pagkain nya. Ilang minuto na lang ang ipaghihintay nya, hindi pa sya nakapaghintay.

"Oo nga pala, kesa naman sa iba mo pa malaman, mabuti na yung sa akin na unang manggaling. Inamin sa akin ni Daphne na crush nya ako." Sabi ni Dondi.

Engot ka pala, Tisoy. Mas nauna pa akong malaman na may pagnanasa talaga sa iyo ang babaing yun. Hindi lang ako kumikibo.

"Pero sabi ko, may girlfriend na ako at wala akong balak na hiwalayan sya kahit ipagtabuyan pa ako nya ako, hindi ako aalis sa tabi nya." sabi ni Dondi.

In fairness kinilig ako dun, Yabs. At narinig ko ang isinagot ng malanding babaeng yun. Ang kapal ng mukhang sabihin na bago pa lang kami ni Dondi kaya may chance pa na maghiwalay pa kami. Pasalamat sya at nakapag-pigil ako, kung hindi papalabasin ko sya ng canteen na hila-hila ko ang buhok nya.

No Left Turn (Completed)Where stories live. Discover now