Anna's POV
Since legal na kami ni Dondi, ikinuwento ko na kay Mama Rio kung paano nag-umpisa ang lahat sa amin ni Dondi. Inamin ko na rin sa kanya na hindi lang ako hinahatid ni Dondi, sinusundo rin nya ako araw-araw papasok sa school.
"Wala naman akong balak maglihim sa iyo Ma, hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa iyo na hindi ka magagalit." Sabi ko kay Mama habang nag-aalmusal kami.
"Hindi naman ako galit, disappointed lang kasi kaya mo palang maglihim kay Mama." Sagot ni Mama Rio.
"Sorry na po talaga, Ma. Hindi na po mauulit." Sabi ko.
"Dapat pala kasi sinunod ko na yung instinct ko. Ngayong sem ka lang kasi hindi madalas humingi sa akin para sa mga pang-xerox at pambili ng iba pang kailangan sa school. Ang laki pala ng natitipid mo sa pag-hatid at sundo ni Dondi sa iyo." Sabi ni Mama.
"Yun naman ang talagang rason ko bakit ako pumayag na magpanggap na girlfriend nya eh. Gusto ko po kasi na hangga't maari, hindi na ako hihingi sa iyo kung maliit na bagay lang naman ang kailangan ko." Sagot ko.
"Anak, kahit pinakamaliit na bagay pa yan, basta para sa pag-aaral mo, gusto ko sasabihin mo sa akin. Responsibilidad ko na tustusan ang pag-aaral mo, kaya dapat lang na sabihin mo sa akin ang mga kailangan mo. At simula ngayon, ipunin mo na lang ang lahat ng matitipid mo mula sa pamasahe kasi hatid-sundo ka na ng boyfriend mo." Sabi ni Mama na medyo napangiwi nang bahagya na ikinatawa ko.
"Bakit hindi mo masabi yung word na 'boyfriend', Ma?" natatawa kong tanong.
"Ano naman ang expect mo, eh binigla nyo ako kagabi?" sabi ni Mama. "Pero magkaliwanagan tayo Cristina, hindi komo pumayag ako eh, magiging maluwag na ako sa inyong dalawa ni Dondi. Walang mababago, kailangan mo pa ring magpaalam sa akin kung saan ka pupunta kahit pa si Dondi ang kasama mo. At yang pag-aaral mo pa rin ang priority mo, hindi yang boyfriend mong Tisoy. Wala naman akong masasabing masama dyan kay Dondi, alam ko namang mabuting tao sya at may pangarap din sa buhay. Kaya sige na nga, sabi mo napapasaya ka nya eh." Dagdag ni Mama.
"Thank you. Ma. Promise, studies ko pa rin ang priority ko, tapos ikaw, tapos yung tindahan, pang-apat lang si Dondi." Sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
"Asus, sinasabi mo lang yan kasi bago pa ang kayo, habang nagtatagal kayo, paakyat nang paakyat ang level nyang si Tisoy sa mga priorities mo. Pero ayos lang anak, basta yung pag-aaral mo pa rin ang number 1, ok lang sa akin na maunahan ako ni Dondi dyan sa puso mo. Yun naman ang mangyayari balang araw, kung hindi man si Dondi ang makatuluyan mo, may isang lalaki pa rin na magiging mas matimbang sa puso mo kesa sa akin." Sabi ni Mama na agad kong kinontra.
"Hindi mangyayari yun, Ma. Kahit sino pa ang dumating, hindi na magbabago ang love ko para sa iyo." Sabi ko.
"Alam ko yung anak, pero priorities ang pinag-uusapan natin. Darating naman talaga ang araw na dapat mas unahin mo ang pamilya mo kesa sa kahit na sino, kahit ako pa yan." Sabi ni Mama.
"Wag na nga muna nating pag-usapan yan, Ma. Matagal pang mangyayari yan, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko." Sabi ko.
///
Pagkatapos ng nangyari kagabi, wala namang nabago sa aming lahat, pareho pa rin ng dati na sinusundo ako ni Dondi sa bahay, ang maganda lang ngayon, hindi na kami natatakot at lalong hindi na rin nagtatago. Tama si Dondi, dapt nuong una pa lang nagsabi na kami kay Mama Rio para sa mas matiwasay na buhay araw-araw.
"Anong nakakatawa?" tanong ko kay Dondi habang nasa byahe kami papuntang school. Eto kasing lalaking maputla, kanina pa ngingiti-ngiti tapos susulyap sa akin.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...