Anna's POV
"Paolo, Isay!" ang tangi kong nasabi. Ano ang ginagawa ng dalawang ito dito, ang alam ko nasa mall sila para mag-pizza. "Akala ko magpi-pizza kayo. Anong ginagawa nyo dito?" kayo tanong ko.
"Gulat na gulat lang beh? Di ba dapat kami ang magulat kasi sabi mo uuwi ka na, kaya ayaw mong sumama sa amin sa mall. Kelan pa kayo lumipat sa McDonalds? Ang galing ng bahay nyo beh, may playplace" sarkastikong komento ni Paolo.
"Hello, ako si Isay, eto namang kasama ko si Paolo. Anong pangalan mo?" tanong naman ni Isay kay Dondi
"Dondi" sagot ni Dondi sabay kinamayan si Isay na bigla namang hinatak ni Paolo.
"Sino ka? Bakit ngayon lang kita nakita? Bakit mo kasama si Anna?" sunod-sunod na tanong ni Paolo at lalaking-lalaki ang boses, anyare sa sireyna na 'to?
"Kaibigan ko si Anna, suki nila ako sa tindahan nila" sagot ni Dondi kahit kitang-kita ko na naiilang sya kay Paolo.
"Bakit kayo magkasama ngayon?" patuloy na tanong ni Paolo
"Promise ko kasi kay Anna na ililibre ko sya ng burger ngayon, kasi tinulungan nya akong gumawa ng ice candy kahapon" sagot ulit ni Dondi.
"Hoy Paolo, tumigil ka nga sa interrogation mo kay Dondi. Ano ba ang ipinaglalaban mo?" tanong ni Isay.
"Pao, kaibigan ko si Dondi at kilala sya ni Mama Rio" sagot ko
"Kilala ni Mama Rio pero kami hindi mo pa pinapakilala dyan sa boyfriend mo. Akala ko ba best friends tayo" sabi ni Paolo.
"Boyfriend? Siraulo ka Paolo, anong boyfriend ang sinasabi mo dyan? Kilala sya ni Mama Rio kasi nagtatrabaho sya dun sa bangko na dinadalhan ni Mama ng prutas. Saka hindi ko sya boyfriend, friends lang kami" sagot ko.
"Tutoo ba yan?" tanong ni Paolo na hanggang fifth floor ng school namin ang kilay. Nakakaaliw talaga itong kaibigan ko, kahit anong pilit magmukhang lalaki, hindi maiwasan ang maging malambot.
"Tutoo nga, kahit tawagan mo pa si Mama Rio" sagot ni Dondi. "Kamusta ka Paolo, ako si Dondi" dagdag nya at inialok nya ang kamay nya kay Paolo para kamayan ito.
"Bakit nagsinungaling ka sa amin Anna? Sabi mo uuwi ka na, yun pala may date ka" sabi ni Paolo.
"Excuse me, hindi ito date. Bayad 'to ni Dondi sa pagturo ko sa kanya sa paggawa ng ice candy" mabilis kong sagot
"Join us dito sa table, naka-order na ba kayo? May gusto ba kayong kainin, sabihin nyo lang, treat ko." Sabi ni Dondi. Grabe umiral na naman ang kayabangan nitong si Mr. Yabs kung alam lang nya, mas marami pang pera sa kanya si Paolo.
"Ay hindi na Dondi, kami na ang bahala sa kakainin namin ni Isay" sagot ni Paolo.
"I insist" pagmamayabang na sabi ni Dondi.
"Ikaw ang bahala, siguro pareho na rin nung order nyong dalawa." sagot ni Paolo
"Libre mo ba 'to Dondi?" tanong ni Isay
"Oo naman." sagot ni Dondi.
"Pwedeng pakisamahan ng chicken nuggets, yung 10 pcs na, para share na lang kami ni Paolo." Sabi ni Isay
"No problem, yung lang ba? Gusto nyo ng sundae for dessert?" tanong ni Dondi.
"Paimpress ka? Sige pagbibigyan kita, paki samahan ng sundae at spaghetti yung additional order ni Isay" sagot ni Paolo na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...