29 - First Day of Class

820 108 19
                                    

Dondi's POV

Unang hakbang papasok ng campus, pakiramdam ko nananaginip ako. Ilang taon na rin ang nakakaraan nung huli akong pumasok sa isang university hindi para bumisita sa kaibigan kundi para mag-aral.

"Dondi" narinig kong tinawag ako ni Isay

"Uy, Isay kamusta?" sagot ko.

"Kamusta ka dyan, parang hindi tayo nagkita kahapon kung mangamusta ka ah" sagot ni Isay.

"Grabe ang transformation, from security guard to school boy. Ang gwapo mo naman Dondi. Parang may bagong pagkakaguluhan sa campus sa pagdating mo ah" komento ni Paolo.

"Sus, hindi naman siguro. Syanga pala maraming salamat ulit sa lahat ng tulong mo Paolo. Sobra kong na-appreciate ang tulong mo." sabi ko

"Sus, maliit na bagay lang yun, friends tayo di ba? Saka tatlong subject lang naman yun kaya ok lang kasi dalawang prof lang kinausap ko para maisingit ka sa klase nila." sagot ni Paolo.

"Nasaan ni Anna?" tanong ko at kitang kita kong tumaas ang kilay ni Paolo.

"May klase pa sya eh. Bakit mo hinahanap si Anna?" tanong ni Paolo.

"Wala naman, naninibago kasi ako na hindi nyo sya kasama. Saka ibibigay ko kasi yung bayad para sa librong binili ko sa kanya." Sagot ko kay Paolo

"Akina yung bayad ako na lang ang mabibigay kay Anna." Sabi ni Isay.

"Ok lang Isay, ako na lang ang magbibigay sa kanya. Seven pa naman ang end ng last class nya, hintayin ko na lang sya pagkatapos ng klase nya." Sagot ko.

"Pagtapos ng mga ginawa namin sa iyo, wala kang tiwala sa amin?" masungit na tanong ni Paolo at ang kilay nya, umabot sa third floor ng campus building.

"Hindi sa ganon, mag-offer sana akong ihatid na lang sya sa bahay nila, tutal dun din naman ang way ko pauwi sa amin." Sagot ko.

"Paano yun eh sa EDSA ang way mo samantalang si Anna ...." Sabi ni Paolo

"Sa Makati Avenu ako dumadaan para hindi masyadong traffic." mabilis kong sagot kay Paolo

"Ahhh ... gusto naman palang maghatid ni Tisoy, alam ba ni Mama Rio na pinagbabalakan kong pormahan si Anna?" malisyosang tanong ni Isay .

"Gusto ko lang mag-offer na ihatid sya ngayon, popormahan na agad, hindi ba pwedeng isasabay ko lang sya kasi on my way na rin naman ang house nya?" sagot ko.

"Isasabay lang naman pala Isay, kung anu-ano ang sinasabi mo dyan Adeliza, malisyosa ka" sarkastikong komento ni Paolo.

"Mauna na ako, baka mahuli ako sa klase ko eh" mabilis kong sinabi sabay takbo papunta sa unang klase ko.

Ang sarap sa pakiramdam na nakabalik na ako sap ag-aaral ko. Sana pala talaga noon ko pa ginawa ito para hindi sayang ang panahon na nakatunganga lang ako sa bahay at walang ginawa kundi mag-computer games. Ngayon sigurado na akong may mangyayari sa future ko kasi paninindigan kong tapusin itong bagong simula ko.

Sobrang bilis ng oras, hindi ko namalayan na tapos na ang dalawang klase ko para sa araw na ito. Naka-isang araw na ko, at marami pang darating alam ko. Ngayon, nagmamadali akong lumalakad papunta sa classroom ni Anna. Hindi kasi sya nag-reply sa text message ko na babayaran ko na yung mga libro at isasabay ko na rin sya pauwi ngayon.

Tamang-tama lang ang dating ko, tapos na yung klase nya at palabas na sila. Nakita ko silang magka-usap ni Jun at hindi ako natuwa sa nakita ko, at hindi ko alam kung bakit kasi kaibigan ko rin naman si Jun eh. Hindi ko alam na magka-klase pala sila sa huling klase nya.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon