63 - Meet the Parents na ba?

898 124 13
                                    

Anna's POV

Sobrang enjoy naman yung Q & A namin, hindi ko inakala na maraming natutuwa sa amin ni Dondi. Kung alam lang nila kung paano kami nagsimula, bago pa nakarating sa pagiging mag boyfriend/girlfriend namin. At papipiliin ako kung gustong pagdaanan ulit ang lahat ng pinagdaanan namin ni Dondi, isang malaking YES ang sagot ko.

Hindi man maganda ang umpisa namin masasabi kong mas gugustuhin ko na ang ganon, iba pa rin kung alam mo ang ugaling hindi maganda sa isang tao, mas masarap magdesisyon na kahit pa sa kapintasan nya, minahal ko pa rin sya. Teka lang, anong minahal ang sinasabi mo dyan self. Di ba nga sabi mo sa Q & A, wala ka pa sa level na yun, bakit may pagmamahal ka nang sinasabi dyan ngayon? Ano ba talaga self?

Oo, ano na nga ba talaga? Siguro nga mahal ko na si Dondi, sino ba naman kasi ang hindi mapapamahal sa lalaking maputla bukod sa sobrang gwapo at laging mabango, sobrang sweet at thoughtful pa kahit talaga sobrang yabang. Alam ko mapagtitiisan ko na rin ang kayabangan nya kasi ramdam na ramdam kong mahal nya ako talaga. Ngayon ko napatunayan na tutoo yung sinasabi nila, hindi ko kailangang hanapin ang taong para sa akin, kasi darating at darating talaga sya, kahit ayaw ko pa.

Katulad ng sa amin ni Dondi, pareho naming iniisip na ang pakikipagrelasyon ay isang malaking hadlang sa mga pangarap namin. Pero may karugtong pala ang statement na yun. Ang pakikipagrelasyon ay isang malaking hadlang sa mga pangarap namin, kung hahayaan naming itong maging hadlang. Pero, sa amin ni Dondi, ang relasyon namin ay isang inspirasyon para matupad naming ang mga gusto naming marating sa buhay. Alam kong hindi iyon magiging madali pero hangga't mahal naming ang isa't-isa, naniniwala akong lahat at malalagpasan namin.

Paano rin na hindi ko sasabihing mahal ko na si Dondi, eh nakikita ko na ang future ko na kasama sya. Pero hindi ako sure sa limang anak, susme, hindi ko alam kung kakayanin ko ang limang anak, iniisip ko pa lang natatakot na ako.

Wala kasi akong nanay na magtuturo sa akin kung paano maging isang nanay. Kahit pa tumayong nanay ko si Mama Rio, iba pa rin yung pakiramdam na may tutoo akong nanay na gagabay sa akin para mapalaki ko ng maayos ang mga magiging anak ko.

Nakakahiya sa mga magulang ni Dondi kung hindi ako magiging mabuting nanay sa mga magiging apo nila. Nasaan na nga kaya kasi ang nanay ko? Bakit parang hindi na nya ako naalala?

Dondi's POV

Hanggang ngayon may hang-over pa rin ako nung Q & A na nangyari kagabi. Paano namang hindi mawawala sa isip ko yun eh, hindi lang sampung beses ko yata binasa yung mga sagot namin Anna sa mga tanong nung mga follower ng fanpage. Kung ipapaulit nila Paolo ang Q & A, isang malaking YES ang isasagot ko, kasi napakasayang experience nun.

"I therefore conclude na mananakawan ang bangko kapag in-love ang security guard." Bigla kong narinig na may pamilyar na boses na nagsalita.

"Mama Rio, magandang umaga po." Pagbati ko

"Bakit ka ba tulala? Kung holdaper ako, malamang naholdap na itong bangko pero ikaw nakaupo pa rin dyan nag ngiti nang ngiti." Komento ni Mama Rio.

"Iniisip ko lang po yung exam namin mamaya." Pagsisinungaling ko, alangan namang sabihin kong iniisip ko kasi si Anna kaya hindi ko namalayan na nakalapit nap ala sya sa akin.

"Nahihirapan ka na ba, Dondi?" sinserong tanong ni Mama Rio.

"Medyo po, pero kaya ko pa naman, at kakayanin ko po." Sagot ni Dondi.

"Ganon ba? Maganda siguro kung babawasan mo ang units mo sa susunod na semester, para hindi naapektuhan ang trabaho mo." Payo sa akin ni Mama Rio.

"Hayaan nyo po pag-iisipan ko po yan." Sagot ko kay Mama Rio.

"Kamusta naman kayo ni Anna?" tanong ni Mama Rio.

"Ayos naman po, busy na po para sa finals." Sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon, wag mong kakalimutan yung usapan natin ha, hindi pwedeng masira ang pag-aaral ni Anna dahil lang sa mag boyfriend/girlfriend kayo. Ang pag-aaral nyo ang dapat na priority." Paalala ni Mama Rio.

"Opo, Mama Rio, hindi ko po nakakalimutan yung usapan natin." Sagot ko

"Mabuti naman kung ganon." Sagot ni Mama Rio.

"Eh Ma, may gusto po sana akong sabihin sa inyo." Sagot ko kay Mama.

"Mukhang seryoso yan ah, tungkol ba ito kay Anna?" tanong nya

"Opo, gusto ko po sanang ipakilala sya sa Mama at Papa ko." Sagot ko.

"Pero kilala na ng Mama at Papa mo si Anna, hindi ba?" tanong ni Mama Rio.

"Gusto ko po syang ipakilala sa Mama at Papa ko bilang girlfriend ko. Malapit na po kasi silang bumalik sa New Zealand " paliwanag ko.

"Ano ang sinabi ni Anna?" tanong ulit ni Mama Rio.

"Hindi ko pa po sinasabi sa kanya, naisip ko pong magpaalam muna sa inyo." Sagot ko

"Walang namang problema sa akin, pero si Anna ang magdedesisyon kung handa na ba syang humarap sa mga magulang mo." Sagot ni Mama Rio. "Kelan mo ba balak ipakilala si Anna sa mga magulang mo kung sakaling pumayag si Anna?" tanong ni Mama Rio.

"Sa Linggo, po sana." Sagot ko.

"Walang problema sa akin, kapag nagkausap ng kayo ni Anna tungkol dyan, sabihin mo na pinapayagan ko syang sumama sa iyo para ipakilala mo sa Mama at Papa mo. Mabuti na lang at wala akong raket sa Sabado ng gabi." Sagot ni Mama Rio.

"Maraming salamat po sa tiwala Mama Rio." Sabi ko.

"Walang anuman, alam ko namang hindi mo papabayaan si Anna, kaya pinapayagan ko si Anna na sumama sa iyo." Sagot ni Mama Rio.

"Asahan nyo po na hindi ko sya papabayaan." Sagot ko kay Mama Rio.

"O sige, papasok na ako ha, at kailangan kong makabalik agad sa tindahan para maagang makauwi si Anna." Sabi ni Mama Rio. "May order ka bang prutas?" tanong nya.

"Nai-text ko na po kay Anna yung mga prutas na binilin ni Mama." Sagot ko.

"O sige, umayos ka dyan at wag ka tulala ha." Nakangiting bilin ni Mama Rio, bago tuluyang pumasok sa bangko.

Sa sobrang excitement ko, tinawagan ko na agad si Anna para sabihin sa kanya ang plano ko para sa Linggo. Nakatatlong ring bago nya sinagot ang tawag ko.

"Yabs, bakit ka tumawag?" tanong nya sa kabilang linya.

"May gagawin ka ba sa Linggo?" tanong ko.

"Wala naman, dito lang ako sa tindahan." Sagot ni Anna. "Bakit mo tinatanong, gusto mo sabay tayong mag-review para sa finals?" tanong niya.

"Magandang idea yang mag-review tayo nang sabay sa Linggo, Sung. Pero hindi dyan sa tindahan nyo." Sagot ko

"Yabs, hindi ko pwedeng iwan si Boyet mag-isa dito. Hindi tayo pwedeng sa bahay naming mag-review." Sagot ni Anna.

"Kung hindi pwede sa bahay nyo, eh di sa bahay na lang namin." Sabi ko.

"Nasisiraan ka ba ng ulo, ayokong mag-review sa bahay nyo, nakakailang ang Papa mo eh." Sagot ni Anna at hindi ko naman sya masisi kung may ganon syang pakiramdam.

"Gusto ko kasing ipakilala ka ng pormal kay Mama at kay Papa. Gusto kong makilala ka nila na girlfriend ko." Sagot ko.

Matagal na katahimikan, wala akong marinig mula kay Anna. Mukhang nabigla yata, sana pala naghintay na lang ako mamaya bago ko sabihin sa kanya.

Maya-maya, bigla akong nakarinig na putol na ang linya. Ibinaba ni Anna ang telepono ng walang sabi-sabi.

*******************

Mukhang mahaba-habang usapan yan mamaya, Mr. Yabs? 😳😳😳😳.

Maraming salamat po sa mga questions nyo, sana nag-enjoy po kayo. God bless 🙏🙏🙏🙏🙏.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon