17 - Chicken Pork Adobo

802 109 18
                                    

Anna's POV

Tatlong semester na lang tapos na ang mga paghihirap ko.  Makakahanap na ako ng maayos na trabaho at unti-unti, pwede nang magpahinga si Mama sa mga raket nya sa beaucon. 

Makakabayad na rin kami sa mga utang namin kay Ninang Candy.  Hindi talaga ako titigil hangga’t hindi ko nabibigyan ng maayos na buhay si Mama Rio, ang taong walang sawang nag-alaga sa akin. 

“Anna wag ka na raw bumili ng pagkain mo sa karinderia, eto na daw ang ulamin natin” narinig kong sinabi ni Boyet na bigla-biglang sumusulpot sa dito sa kusina kung saan ako nagre-review.

“Bakit nandito ka na? Ang aga pa para sa tanghalian, bakit iniwan mo na agad si Mama Rio na mag-isa sa tindahan?” tanong ko kay Boyet

“Babalik din ako agad sa tindahan, pinadala lang ni Mama ‘tong ulam pagkain mo.  Nag text ako sa iyo na magsaing ka di ba.  Nakasaing ka na ba?” tanong ni Boyet.

“Tapos na po kamahalan.  Sinunod po kita agad nung nagtext ka” sagot ko

“Wag daw nating ubusin ‘to, kasi yan na rin ang ulam natin mamayang hapunan” sabi ni Boyet

“Ano ba naman kasi ‘to?” tanong ko habang unti-unting binubuksan ang container na dala ni Boyet.  “Uy adobo, mukhang masarap ‘to ah” sabi ko pero bigla akong nalungkot nung nakita kong chicken pork adobo ang laman ng container.

“Hindi naman ako kumakain nito eh, bakit kasi may manok? Alam nyo naman na ayokong kumain ng manok” angal ko.

“Piliin mo na lang, may baboy naman na lahok yan.  Ewan ko ba naman sa iyo, ang sarap-sarap ng manok eh ayaw mong kainin” sabi ni Boyet habang nag-umpisang maghain.

“Wala kang pakiaalam” sagot ko.  “Nakakainis naman eh, paano ko kakainin ‘to? Mukha pa namang masarap, amoy pa lang masarap na”  naiinis kong tanong   

“Piliin mo na nga lang, ihiwalay mo yung manok sa baboy, yun na lang ang kakainin namin ni Mama Rio mamayang hapunan” sabi ni Boyet

Saan nyo ba kasi binili ‘to? Hindi ba pwedeng pork adobo lang?” tanong ko habang tumitikim ng nakakatakam na adobo.  “Grabe ang sarap naman nito.  May bago ba kayong binibilihan ng ulam?” tanong ko at hindi ko mapigilang tumikim ulit nung adobo.

“Tama ka pinsan, masarap talaga.  Kanina ko pa nga pinadidiskitahang kainin yan eh.  Tara nang kumain para makabalik na ako sa tindahan” sabi ni Boyet sabay upo at inumpisahan nang kumain.  “Ano pa ang hinihintay mo? Kain na at masarap lalo itong adobo sa mainit na kanin” dagdag ni Boyet.

Napilitan akong sabayan si Boyet sa pagkain kasi tama naman sya na nakakatakam talaga ang dala nyang ulam lalo na sa mainit na kanin.  Hindi ko na lang ininda na kailangan ko pang ihiwalay ang manok sa baboy.  Wala nga kaming kibuan ni Boyet habang kumakain kasi gusto ko talagang namnamin ang sarap ng dalang adobo ni Boyet.  Pigil na pigil pa nga ako sa pagkain kasi baka magalit si Mama Rio kapag inubos namin ni Boyet itong ulam, baka daliri namin ni Boyet ang ipaulam sa amin ni Mama Rio kapag nagkataon.

“Grabe ang dami kong nakain, busog na busog ako.  Baka imbes na mag review ako eh matulog ako sa sobrang kabusugan” sabi ko matapos ang ilang sandali ng pagkain ng tanghalian

“Ako rin, busog na busog pero kailangan ko pa ring bumalik sa tindahan kasi magdedeliver pa si Mama Rio ng mga order na prutas” sagot ni Boyet.

“Saan nyo ba binili ang adobong yan? Ang sarap talaga, order kayo ulit bukas” sabi ko

“Hindi naman binili yan, regalo lang sa inyo ni Mama Rio” sagot ni Boyet habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon