Escaped 25

14.5K 209 9
                                    

Escaped 25

"ano nga kasing balak nyo ?" tanong ni Sherine na busy sa nilalarong mobile legends habang naglalakad. Kung pano niya nakikita ang dinadaanan niya at ang nilalaro ng sabay siya lang ang nakaka alam.

"almost half a month pa naman yun bakit ka ba nagmamadali?" tanong pabalik ni Cassie.

"Well diba parang mas magandang advance para prepared? ano tingin mo Heart?" sabi ni Grycel at tumingin kay Heart, sabay sabay lumingon ang magkakaibigan para sa opinion niya, pinause pa ni Sherine ang laro at tinigil ni Lorly ang pag tatype sa phone pero nag shrug lang si Heart.

Bumuntong hininga nalang ang magkakaibigan at nagtuloy sa paglalakad. Bakit nga ba umasa pa sila sa isasagot nito?

"Matagal pa naman kasi guys chill" sagot nalang ni Lorly ng hindi nagaangat ng tingin sa phone.

"gaga matatapakan mo na yung poop! Wala sa paa mga mata mo girl!" tili ni Cassie at hinatak para iiwas si Lorly. Muntikan pang magsipag-tumbahan ang magkakaibigan ng magka bangga bangga sila.

"Sino ba yang binabash mo nanaman sa social media? At tutok na tutok ka sa phone mo Lorly?" tanong ni Cassie na pinipilit pahabain ang leeg para makita ang nasa phone ni Lorly pero iniwas lang nito ang phone.

"not relevant" ngiting may kahulugan ni Lorly. Tumingin nalang sa kanya ng alanganin ang mga kaibigan. Yung ngiti niya kasi para bang may pinapatay nanaman sya sa imahinasyon niya.

Napa ngiwi nalang ang magkakaibigan at nagtuloy sa paglalakad.

"Pero seriously mas daig ng maagap ang masikap" seryosong sabi ni Sherine. Napatahimik ang lahat sa sinabi niyang iyon halos marinig mo na yung kru kru ng kuliglig ng walang umimik sa kanila.

"At san mo naman nakuha ang wisdom na yan?" tawa bigla ni Grycel.

"Girl 5 years nyang itinago sa baul yan wag nyo namang ijudge--" naputol ang tawa ni Cassie ng biglang may humarang sa kanila.

"Uh, excuse me" napahinto ang mag kakaybigan sa paglalakad pagtawa at paguusap ng harangin sila bigla ni Stephen.

Lahat sila nanlaki ang mata at napanganga. Muntikan pang madapa si Sherine habang si Grycel nakatingin ng malagkit kay Stephen. Si Lorly nakarating na sa jupiter at si Cassie natulala. In-short Si Heart lang ang normal.

Or as normal as she can gets with her poker face and blank stare.

Hindi parin sila sanay na kinakausap ng mga Aristocrats. Lalo na ng hari ng eskwelahan. Mas lalo namang hindi sila sanay na pinagtitinginan ng mga nasa paligid nila lalo na ngayon na may ilang kumukuha pa ng mga pictures pero hindi naman sila ang kinukuhaan kundi si Stephen syempre.

" yeah uh, itatanong ko sana kung bakit di nyo kasama si Cyred? Where is she?" gruff na tanong niya, nahihiya man siya di nya nalang masyadong pinahalata masisira ang tough image nya.

'wala ka lang choice' bulong nya sa sarili nya. Mag i-isang linggo na after ng cosplay event at mula ng makita nya ang babaeng may pulang buhok na iyon he's losing his shit, 'hindi ako nag-aalala'  linaw nya sa nararamdaman nya dahil di na niya maintindihan yung mga kinikilos niya 'basta sigurado akong di ako nag-aalala' ulit nya sa sarili.

Kelangan niya lang na makita ito para, para san nga ba? Para singilin siya sa costume? or better yet para itanong kung gusto ba niyang hunting-in ang taong sumira sa costume na yon? . 'yun talaga ang rason, tama, di ko siya namimiss' deny nya. Bayaan nyo nalang siya sa trip niya, dyan siya masaya.

Samantala nagtinginan ang magkakaibigan, umiling si Cassie na ibig sabihin 'hindi-natin-pwedeng-sabhin' Tumingin naman si Grycel with a narrowed eyes na para bang ang ibig sabihin ay 'si mr.president yan oh baka matriggered yan sa atin yare tayo.'

The Escaped Heiress ( Completed )Where stories live. Discover now