Prank✔

89 6 0
                                    

"PRANK"
📝By: Sirenna Writes/Cherry_PopKookie

Napangisi ako nang makakita ako ng isa sa mga uso ngayon sa internet yong manghuhula ka ng mga number at tatawagan ito. It'll be fun Venus!

Lalo akong napangisi ng may sumagot ng una tawag.

"Hello babe! I miss you! Pwede ba tayong mag kita mamaya sa park?"

"What the fuck?! Liam! Who the hell is this bitch? Babe pala huh? May babae ka na naman!"

Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa narinig. Boys are always be a boys.

They are not contented with their girlfriend gusto nila may laging may reserba.

Binaba ko ang tawag dahil sa narinig. Nag dialed ako ng panibagong number.

"Hoy babae! Mang aagaw ka talaga ng boyfriend! Inutangan mo na nga ako pati ang boyfriend ko ay inagaw mo na rin!"

"Kasalanan ko ba na ang pangit mo kaya ako ang pinili ng boyfriend mo? Tanga ka rin e. Niloloko kana nagpapaloko ka pa!"

Nagulat ako sa naging reaksyon ng sumagot. My parents has a good genes! Anong pangit ang pinagsasasabi niya? At saka hindi iyong ang inaasahan ko. Ibig sabihin.. nang-agaw nga talaga ng boyfriend yung may ari ng boses.

Ibang mga babae rin ngayon hindi na sapat sa kanila ang sarili pati sa relasyon ng iba ay nakikisawsaw pa.

Binaba ko ulit ang tawag ang sa huling pagkakataon ay nag dial ulit ako.

"Hoy bakla! Bakla! Bakla! Bakla! Ang utang mo hindi mo pa binabayaran!"

"Who the fuck is this? Bakla? Kung sino ka man babae wala akong utang sa kahit kanino. I am rich for fucking pete's sake!"

Saglit akong natameme dahil sa narinig his baritone voice can make my heart beats fast. His voice is something familiar hindi ko lang matandaan kung saang lupalop ng Pilipinas ko narinig ang boses niya

"Argh basta! Bakla ka pa rin! Bakla!"

"Ilang anak ang gusto mo?"

"Basto---"

Napakurap kurap ako dahil sa sinabi niya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa paulit ulit na nagsisink-in ang mga sinabi niya sa utak ko. Damn!

Ilang anak ang gusto mo?

Ilang anak ang gusto mo?

Ilang anak ang gusto mo?

Ilang anak ang gusto mo?

Ilang anak ang gusto mo?

"Argh!!" Inis kong tinapon ang unan sa sahig.

Kumatok si mommy, "Venus baby! May naghahanap sayo bumaba ka hija." Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi ni mom.

"Y-yes mom!"

Akma akong lalapit sa pintuan ng biglang bumukas ito at sumalubong sa akin ang lalaking brown ang kulay ng mga mata. Puno ng kung anong nararamdaman na hindi ko mapangalanan ang mga mata niyang tumama sa akin. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

"Are you waiting for me baby?"

"What are you doing here Ajax Lewis?!" Kumulo ang dugo ko nang inalis nito ang isang butones ng shirt niya. What the hell?!

He is the MVP and the captain of Red Bullets the famous basketball team in our campus! Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kagwapuhan ng lalaking ito? Halos lahat ng babae sa school ay kulang nalang ay sambahin siya. Kahit kilala ko siya at sikat siya sa buong Campus never akong naging isa sa mga tagahanga niya.

"You don't remember baby? You've been call me and you accusing me a gay thats why I'm here asking you ilang anak ang gusto mo?" Kaya pala pamilyar ang boses ng sumagot dahil isang Ajax Lewis lang naman pala ang sumagot!

"Wala kang makukuhang sagot sa akin Mr. Lewis. Makakaalis kana." Pagtataboy ko sa kaniya na para bang hindi niya pinatitibok ng mabilis ang puso ko.

" You're so beautiful just like your name Venus the greek goddess." I rolled my eyes.

"Bolero.. Oh siya makakaalis kana hindi ka welcome sa kwarto ko."

"Hindi ako ang may utang sa ating dalawa miss Venus, ikaw."

"Anong ako?!"

"Kinuha mo ng walang paalam ang puso ko. Utang iyon Baby."

Napasentido nalang ako sa narinig.

"Whether you like it or not aakyat ako ng ligaw Ms. Venus Araneda. And another thing Venus baby stop with that Mr. Lewis. It is baby, Venus. Just Call me baby."

NAPANGITI ako nang makitang nanonood ng movie ang tatlong lalaki sa buhay ko. Si Zayden ang panganay namin at si Jayden ang bunso. Katabi nila ang lalaking minahal at mamahalin ko sa buong buhay ko. Ajax.

Naramdaman ko nalang ang mga kamay ni Ajax sa bewang ko at marahang hinalikan ang balikat ko.

"I love you so much baby." He whispered. He never failed of making my heart beats so fast.

Nagpatuloy lang ako sa paghuhugas ng mga plato habang may ngiti sa mga labi, "I love you too."

Hindi kami kumuha ng katulong dahil ayaw namin na masanay ang mga bata na laging may maglilinis ng mga kwarto nila at since nasa highschool na rin sila kaya na nila ang mga bagay bagay. Every sunday ay nagsisimba kami at hindi nila pinapalampas na makapagsimba ang isa sa amin na walang kasama. I'm so proud of my boys.

They are famous in their school just like their dad when we were teenagers.

"Let's make our little princess baby..." Bulong na naman nito sa akin. Siniko ko ito na ikinatawa niya lang.

"Magtigil ka Mr. Lewis may mga bata. Tanghaling tapat nag-aaya ka na naman."

I will never get tired of loving this handsome man beside me.

"How many times do I have to tell you Venus Araneda-Lewis that it is baby. You are mine Mrs. Lewis. Just call me baby."

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now