Jeep✔

21 1 0
                                    

"JEEP"
📝By: Sirenna Writes/Cherry_PopKookie

Anak naman ng lahat ng may anak o, late na naman ako! Halos takbuhin ko na ang pagitan ng bahay namin at ang sakayan ng jeep dahil sa pagmamadali, at minamalas ka nga naman o, punuan lahat ng jeep na dumadaan sa harapan ko!

Agad akong sumakay sa jeep na huminto sa harapan ko. Bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ay nasubsob ako dahil biglang umandar ito ng mabilis. Rinig ko ang hagikgikan ng mga taong nasa paligid ko. Tulak ko kaya kayo palabas nitong jeep?

Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakasadlak ko sa lapag at agad na umupo sa pinaka malapit na upuan. Pinagpag ko rin ang uniform kong nalagyan ng alikabok.

Umurong ako sa pinakadulo nang mag-umpisa nang mapuno ng pasareho ang sasakyan. Buti nalang at naging alerto ako nang may babaeng muntik na namang masubsob kasama ng mga napamili niya sa palengke ay nahawakan ko ito sa braso. Ngumiti ito sa akin ng napaka tamis—pamilyar na ngiti pero ngayon ko lang siya nakita.

"Ano ba manong, nakakadalawa ka na. Ayusin niyo naman po yung pagd-drive niyo!"

Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng iba pang pasahero dahil kung hindi ulit mag-iingat itong si manong ay makakasakit ito or worst makakapatay siya ng pasahero niya.

"Pasensya na miss!"

Hindi ko pinansin ang paghingi ng tawad ng driver.

"Pasensya na po kayo sa nangyari." Ngumiti na naman ito sa akin. Do I deserve this? May anghel akong kasama!

"Ayos lang 'yon, napakabait mo namang bata,hija. May ipapakita ako." May kung anong kinuha ito sa shoulder bag niya. Napasinghap ako ng ilabas nito ang cellphone niya at pinakita sa akin ang picture—picture ng ssg president namin na wala manlang kangiti-ngiti sa picture at matagal ko ng crush. Bakit? Anong koneksyon niya kay Appollo Martin?

"Kilala mo ba siya, hija? Matagal ka nang crush n'yan kaso nga lang torpe ang anak ko."

Anak?! Kaya pala pamilyar ang magandang ngiti ng babaeng ito dahil nakita ko nang minsang ngumiti si Appollo nang may program sa school!

"A-anak niyo po s-si Appollo?"

"Yes hija, matagal ka nang gusto niyan kaso yun nga torpe sayo. Gusto mo bang pumunta sa bahay mamaya pagkatapos ng klase niyo? I heard that half day lang kayo ngayon."

Ako? Sa bahay ng crush ko? Totoo ba ito? Inaaya ako ng nanay namin—este nanay ni crush?

Nasa mid-early forties na siya pero litaw parin at makikita mo parin ngayon na mula noon hanggang ngayon ay magandang babae ang nasa harapan ko.

"A-ah..e-ehh.." kailan po ba ang kasal?

"Sige na hija, pumayag kana. Ako bahala sa anak ko kapag nagkulong siya mamaya sa kwarto niya dahil sa hiya sayo. Susunduin nalang kita mamaya sa school niyo." Ang bait ng mommy namin—este mommy niya!

"S-sige po... Maraming salamat po Mrs—"

"It's tita hija. Tita." Ngumiti ito ng napakatamis gaya ng kung paano minsang ngumiti ang anak niyang pinaglihi sa sama ng loob, naiilang akong ngumiti sa kaniya.

Seryoso ba ito? Makikita ko na si crush sa bahay namin—este sa bahay nila mamaya!!!!

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now