Eroplanong Papel✔

18 0 0
                                    

"EROPLANONG PAPEL"
📝By: Sirenna Writes/Cherrypopkookie

10 years old...

"Ouch! Sugat ko!! Aaahhh!" Hindi ko na maintindihan kung pupunasan ba ang mga luha ko o tititigan nalang 'yong dumudugo ko na sugat.

"M-masakit..." Bakit kasi ang tanga tanga ng daan?! Hindi manlang tumabi no'ng dumaan ako.

Sinubukan kong makatayo kahit pa rumaragasa ang dugo sa kanang tuhod ko pero nabigo ako. "Aaah!!!"

Wala sina mommy at daddy dahil nasa work sila at masyadong abala ang mga katulong namin para lang abalahin ko.

"S-stop hurting me..."

Dumagdag pa sa problema ko ang sipon ko na panay ang tulo.

"Take this."

Kaagad kong inalis lahat ng luha sa pisngi ko at nilingon siya.

"Hey, take this."

Isang batang lalaki ang nag bigay ng puting panyo sa akin.

Bumuntong hininga ito nang hindi ko tinanggap ang panyo niya. My mommy said don't talk to strangers.

"Mag ingat ka sa susunod..."

Naestatwa ang mga mata ko sa kulay lupa niyang mga mata habang inaalis niya ang mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"S-salamat..."

Tinupi niya pa ibang parte ang panyong hawak niya at idinampi sa dumudugo kong sugat.

"O-ouch..." nangingiyak kong usal.

May kinuha ulit itong panibagong panyo sa bulsa niya at ipinalibot sa tuhod ko.

"Buti nalang lagi akong pinapabaunan ni mommy ng panyo..." and he chuckled.

Kahit papaano ay naibsan ang hapdi ng aking sugat.

I awkwardly smiled. "M-maraming salamat..."

Tinulungan niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Kaagad naman akong dinaluhan ng mga katulong namin at ginamot ang aking sugat.

"Zery, maya-maya bumaba kana okay? Mag dinner na tayo."

Nakangiting saad ni mommy bago lumabas ng aking kwarto. Katatapos lang na linisan ang sugat ko at palitan ng bagong balot upang gumaling.

"Opo mommy."

Nang makalabas si mommy ay nakuha ng papel na naka origaming eroplano ang atensyon ko. Galing ito sa labas ng bintana.

"Pagaling ka, okay? Sa susunod mag iingat ka..."
-Drix

Ayan ang nakasulat sa papel. Bahagya pa akong natawa dahil sa itsura ng sulat niya. Drix ang kan'yang pangalan?

Napatingala ako sa bughaw na kalangitan. Isang hindi mapigilang ngiti ang namutawi sa aking mga labi.

"Sana maging magkaibigan kami..."

18 years old...

I am dancing with the man I love. Sa ilalim ng romantikong kanta na siyang nagbibigay buhay sa buong venue. I saw his smile, I smiled.

"I love you, Zery..." and he kissed my forehead. Nag uumapaw sa saya ang aking nararamdaman ngayon.

"I love you, John..." Bago pumikit ang aking mga mata at damhin ang kasalukuyang nangyayari ay nakita kong tumulo Ang mga luha niya subalit may ngiti pa rin sa mga labi.

Siya ang unang sumayaw sa akin sa ilalim ng romantikong kanta but I ended up with this my boyfriend, John. Drix isn't my eighteenth roses, my boyfriend is.

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now