Ma, bakit?✔

22 0 0
                                    

"MA, BAKIT?"
📝By: Sirenna Writes/Cherry_PopKookie

8 years old...

"Elizabeth halika na!"

Napangisi ako sa boses na galing sa nanay ko at nang may makitang putik ang mula hita ko hanggang sa paa ko.

Yehey! Makakapag laro na naman ako mamaya sa tubig kapag nilinisan ako ni mama hahahahaha!

"Jusmiyo santisima ano ka ba namang bata ka oh! Puro ka na naman putik sa katawan!"

Naikagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ang pag likha ng ingay ng palaka sa bulsa ko. Nag angat ako ng tingin sa lola ko na nakapameywang sa harapan ko. Agad nitong kinuha ang laman ng bulsa ko at gumuhit ang gulat at inis sa mukha niya nang malaman ang laman ng bulsa ko.

"Elizabeth pumasok ka ngang bata ka sa loob! Napaka gaslaw mong gumalaw palibhasay mana ka sa nanay mo! Ayan maagang nabuntis ng nobyo!" Nag umpisa nang mag tuluan ang mga luha ko dahil sa bukod sa hindi ko maintindihan ang kaniyang mga sinasabi ay napakalakas din ng boses nito.

"Hindi nararapat sa isang babae ang pagiging magaslaw ang kilos sa lahat ng oras."

"'Nay ano na naman ba ito?" Rinig kong boses ng aking ina na siyang agad akong ikinulong sa isang yakap ng isang ina. "Rinig ka ng bata 'nay. Kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin, wag mo namang idamay ang apo niyo."

12 years old...

"Eli picture tayo!" Agaw ng bestfriend ko sa atensyon ko na na kay Paul. Ang crush kong mas malamig pa sa yelo kung makitungo sa mga tao.

Ang wafu talaga! Mas lalo siyang gumwapo dahil sa suot naming puting toga.

"Anak congrats! Proud na proud sayo si mama!" Agad kong niyakap si mama na ngayon ay umiiyak. Pero bakit siya nakatingin kay Paul? Ma, bakit?

"Ma, naman.. bakit kayo umiiyak? Ayaw niyo po ba ng mga parangal ko, sayang lang at mas mataas ng kaunti ang puntos ni Paul kaysa sa akin kaya siya ang Valedictorian."

"Elizabeth anak ko... 'di mahalaga kung may mas mataas sa'yo. May mga parangal ka namang nakuha kaya masaya na ako. Sulit ang pagod at hirap ko sayo bilang isang single mother. Salamat anak."

"Salamat ma. Maraming salamat po." Buong puso kong sambit kay mama

"Sige na, tinatawag kana nina Lina mag picture daw kayo." Humalik ako sa pisngi ni mama bago umalis.

20 years old...

"Will you marry me my baby Elizabeth Meliodas?"

Puno ng luha ang mga mata ko at buong puso akong tumango sa boyfriend ko. By the way he is Paul. My crush that became my boyfriend.

"Y-yes baby. Yes! I will marry you my engineer!"

Puno rin ang galak at pagmamahal sa mga mata ni Paul na isinuot sa daliri ko ang singsing.

Nakita ko ang pag ngiti ni mama sa amin pero ang mga mata niya ay sumisigaw ng sakit at pag hihinagpis.

Ma, bakit?

21 years old...

Today is the wedding day. The most special day in my life. Here I am, wearing a white beautiful dress.

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging kabiyak mo at makakasama mo sa hirap at ginhawa?"

"Opo father." Kumirot ang puso ko dahil sa isinagot ni Paul.

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging kabiyak mo at makakasama mo sa hirap at ginhawa?"

"Opo father." Hinayaan kong bumuhos lahat ng luha ko habang paunti-unti na akong naglalaho sa liwanag.

She killed me just to be with him. She killed me just to be with my fiancée. By the way she's my mother. Ma, bakit?

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now