Challenge Accepted✔

26 2 0
                                    

"CHALLENGE ACCEPTED"
📝By: Sirenna Writes/ Cherry_PopKookie

Scroll pa more self. Scroll, react, share. 'Yan ang gawain ko ngayon. Boring.. wala na bang bago?

A post suddenly caught my attention. Bruha talaga tong bestfriend ko, ni-tag ba naman ako sa kalokohang shared post niya? Bumilis ang tibok ng puso ko sa nabasa.

'I challenge you to write your name together with the surname of your crush on your test paper. Pag hindi mo ito nagawa ililibre mo ako.'

Damn, may test pa naman kami mamaya sa next subject namin. Ayaw kong isulat ang pangalan ko na may surname ni prof Nixon saka nalang kapag kasal na kami at mas lalong ayaw kong ilibre yung demonyong nag post dahil last time na nilibre ko siya, e, pinagbibili lahat ng makita sa watsons.

Napatingin ako sa kaibigan ko na nasa sulok ng room na may nakakalokong ngiti sa labing nakatingin sa akin. Parehas lang kaming walang pakialam sa paligid na sobrang ingay, magulo at may mga sari-sariling mundong mga kaklase namin.

I commented on her shared post; Challenge Accepted but you'll pay after this.

"Good afternoon Class."

Shit, nasa heaven na ba ako? Ang manly ng boses ni Prof! Nakaka inlove!

"Good afternoon Prof. Saavedra."

"Okay, take you sits and get one whole sheet of paper."

Napasimangot ako sa narinig. Bagsam ang balikat kong kumuha ng pepl sa bag. Ayan, day dream pa Aria bagsak ka sa test niyo later.

Nanlalamig sa kaba ang mga kamay ko nang mag umpisa na akong mag sulat ng pangalan ko. I gulped.

Aria

C'mon self! Nag comment ka ng challenge accepted dapat panindigan mo 'yon!

Pinunit ko ang papel at sumulat ulit ng panibago.

Aria Gem

I'm sure that you'll pay for this, Neri! Demonyo ka talagang kaibigan grr.

"Are you all right, MISS Montes?"

Bakit ba niya pinandidiinan yung salitang miss? Nanggigigil ako, Prof.

Nag-angat ako ng tingin kay Prof. Nixon. I smiled at him widely. "Y-yes, prof. Sobra pa sa 101%." Narinig ko ang halakhak ng classmates ko sa paligid kasama na si Neri.

Tinanguan lang ako nito at tinalikuram na ako. Psh, suplado! Kung hindi lang talaga matambok pwetan mo Prof, hmp!

I heavily sighed. Mag 30 minutes na, e, di pa ako natatapos sa punyemas na name na 'to! Sinusumpa ko itong math subject mo, Prof!

Ara Gem Saavedra

"You still have 10 minutes for those who are not yet answering their test papers. Hindi kusang susulat yang mga test papers niyo." Saad nito na nagtapon ng sulyap sa akin

Nagpaparinig ka ba, Prof? Gigil mo ako, huh? Sa sobrang gigil ko, parang gusto kitang panggigilan ng pagmamahal ko.

Napahagikgik ako sa naisip ko. Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa pagsagot. Dahil konti nalang ang oras ay hinulaan ko nalang ang iba. Dyan naman tayo magaling,e, sa panghuhula ng pagmamahal. Charot.

"Pass your answer sheets class."

Pinasa na namin ang lahat ng sinagutang papel namin. I gulped as I saw his handsome face but he's not wearing a smile anymore. Psh, kailan ba ako masasanay, e, lagi namang blangko ang mukha ni Prof.

Napatingin ulit ako kay Prof nang maalala kong sinulat ko nga pala yung pangalan ko kasama ang apelyido niya. Patay ka ngayon Aria. Ngayon ay nakatingin na rin siya sa akin, yariiiii akooooo! My ghad Cassie!

"What is the meaning of this Ms. Montes?" Kalmado ngunit ma-awtoridad niyang tanong.

"A--eh P-prof..." Pakalmahin niyo ako jusko! Ayan landi pa more Aria!

Hindi ko magawang mag angat ng tingin sa kaniya nang makarating siya sa harapan ko. Kasabay ng pag dagundong ng kaba sa dibdib ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko. What are you doing Prof. Nixon Saavedra?

"S-sorry—"

"It's good to knew na ginamit mo na ang apelyido ko mahal." Ramdam ko ang pagkagulat sa sistema nilang lahat dahil sa narinig.

Ipinihit niya ako paharap sa mga kaklase ko. "Class, meet my one and only love one. Meet my Aria Gem Montes-Saavedra. My wife." Naiilang akong napangiti saka napayuko.

"You don't need to shy, wife. I'm here. I love you so much..." He whispered. Saka ako pinihit paharap ulit sa kaniya at siniil ng munting halik.

I, Aria Gem Montes-Saavedra, accepted the challenge. From now on, I will always wear his surname and loving him for the rest of my life.

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now