Marupok✔

23 0 0
                                    

"MARUPOK"
📝By: Sirenna Writes/Cherry_PopKookie

"Dazel baby.. I'm so sorry. I love you."

Sabay na paulit ulit na pag halik  nito sa likod ng palad ko. His teary eyes will be always my weakness. Oh Godness Timothy..

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya hinalikan sa labi. I will always forgive you baby...

"It's okay. Napatawad na kita. I love you too." Matamis itong ngumiti sa akin bago ako pinugpog ng halik.

"Thank you baby! Thank you! Damn, I love you so much!"

Kung mahal mo talaga ako, bakit kailangan mong halikan ang likod ng palad ng ibang babae?

After 1 year...

"Ano ka ba naman Timothy! Paulit- ulit mo nalang ako niloloko! Sino 'yung babaeng 'yon huh? Sino?! Sumagot ka!"

Umiiyak akong paulit-ulit na niyuyugyog ang balikat nito at imbis ay lumuhod ito sa harapan ko at may inilabas na singsing.

"I-I'm s-so s-sorry again Dazel baby... K-kinuntsaba ko lang ang babaeng 'yon para sa plano kong ito.. will you marry me?" Subalit hindi ko makita sa mga mata niya na para sa akin talaga ang ginagawa niya.

Kahit hindi ko makita ang salitang galak at saya sa mga mata niya at ang nakikita ko ay pagkataranta at pagkabalisa ay unti-unti akong tumango sa proposal niya.

"I-I believe in you... Yes! I will marry you!" Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap.

2 months later...

"I don't love her sweetheart. She's just a piece of a whore who deeply obsessed on me."

Mapait akong ngumiti sa kanila habang nasa kotse ako at pinapanood sila kung paano sila maging sweet sa isa't-isa ng panibagong babae niya. Ako nga ba talaga ang mahal mo? Ako ba talaga ang gusto mong makasama habang buhay?

Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko nang unti-unti nitong ilapat sa mga labi niya ang wine. It's time to say goodbye baby.

Nang makainom siya ay nakita ko kung paano nag iba ang kulay ng mukha nito at kinapos ng hininga at unti-unti itong tumingin dito sa labas at sa akin.

Rinig ko sa nakapasak sa tainga ko na naka-connect sa isang uri ng device na nasa loob ng restaurant ang nagkakagulong mga tao sa loob ng restaurant dahil sa nangyayari. Pinatili ko lang ang walang emosyon kong mukha habang nanonood at nakikinig sa mga bawat nangyayari sa loob.

"Omg she killed him!"
"She's a killer!"
"She killed that guy!"

Matamis akong ngumiti dahil umaayon lahat ng nangyayari sa mga plano ko.

Sinigurado ko na ang babaeng kasama niya ngayon ang masisisi sa nangyayari at sinigurado ko na hindi gumagana ang mga cctv camera ng restaurant bago nangyari lahat ng ito.

Kasabay nang pagka-bagsak ng katawan niya sa marmol na sahig ay ang paghulog ko sa singsing na isinuot niya sa akin noon at saka pumasok sa kotse. Tinanggal ko ang earphone na nasa tainga ko at muling sumulyap sa loob ng restaurant bago nilisan ang lugar.

Pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanan mo. Being a marupok on you will be always my greatest regret.

Being a cheater is a sin that will be always a sin, baby. At kailangan mo 'yong pagbayaran bago pa may mas marami ka pang maloko. Goodbye Timothy, have a nice trip on hell, baby.

Oneshots of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora