Piring✔

19 1 0
                                    

"PIRING"
📝By: Sirenna Writes/Cherry_PopKookie

"Hoy teh saan ka pupunta?"

Halos atakihin ako sa puso nang biglang sumulpot sa harapan ko ang bestfriend ko.

"Jusko Cassandra aatakihin ako sayo sa puso e! Ibibigay ko lang tong papers sa office. Pinapabigay kasi 'to ni Ms. Cruz." Saad ko sabay ayos ng mga papel na hindi nakadiretso at may mga tupi sa dulo. Ang bigat naman nito!

"Ah ganun ba.. sige Zane bilisan mo nalang para makabalik kana agad sa room."

"Bakit? Anong meron?" Nagtaka ako nang bigla itong mabalisa. Anak ng lahat ng anak naman oh ano bang nangyayari?

"B-basta b-bilisan mo nalang sa office! Bye!" Saad nito sa kumaripas ng takbo pabalik sa room.

Pota ano bang nangyayari? Ang weird niya!

Nang makalabas ako ng office ay nag hinilot ko 'yung mga braso ko habang naglalakad. Ang bibigat naman kasi e.

Hanggang dito ba naman sa hallway rinig ko pa rin ang mga boses nina Cassandra sa room. Bago pa ako makapasok sa room ay sumalubong na sa akin si Edward at si Stacey na may matamis na ngiti sa mga labi. Ang famous na mag jowa sa school namin.

Sana all may jowa!

"We have a something for you, Ms. President." Bago pa ako makapag salita e naisuot na sa akin ni Edward ang blindfold.

"What is it Stacey? Ang w-weird niyo pare-pareho." Mahinang natawa ang dalawa.

"Ano ba itong ginagawa niyo? Wala akong makita!" Rinig ko ang paghagikgik ni Stacey.

"You'll gonna love this Ms. Zane Cooper. I will guide you don't worry."

Rinig ko ang pagsigawan ng mga classmates ko dahil sa tuwa nang maramdaman kong nasa room na namin ako.

"Magsi-tahimik nga kayo Socrates!" Agad namang tumahimik ang buong klase nang sumigaw ako aakalain mo na may dumaang anghel.

"You should not stressing yourself Zane. Dapat kalma ka lang."

Tama si Stacey. Dapat kalmado lang ako.

"Guys turn off the lights!" Boses ni Cassandra na nag uutos. Ano bang meron?

"Ikot ka Zane." Saad naman sa akin ni Cassandra nang maramdaman kong nasa harapan ko na siya. Bago pa ako makapalag ay inikot-ikot na nito ang katawan ko. Nawala sa balanse ang katawan ko at natumba ako. Kaagad namang nawala ang tawanan nang tumikhim ako.

Pag itong blindfold na ito ay naialis ko malilintikan lahat sakin itong mga 'to.

"Now follow my directions bestfriend."

Napairap nalang ako.

"Diretso lang, 'wag kang lilingon sa iba."

Ano ba talagang meron? Sinunod ko lang lahat ng idikta nitong gawin ko.

"Yeah, like that.. now stop!"

Kumabog ng malakas nag dibdib ko nang may maramdaman akong lumapit sa akin. Bahagya pa akong napaatras nang marinig ang bulong.

"Don't be scared..."

I knew this voice!

Nang tuluyan nang mahulog ang piring ay sumalubong sa akin ang mga mata niyang nakapikit at mga labi naming magkadikit.

Kasabay nang paggalaw ng mga labi namin ay ang paghiyawan ng buong klase.

"Happy birthday Zane Cooper," nakangiting bati niya sa akin. Namula ang magkabila kong pisngi.

"H-how did you know?"

"P'wede ko bang hindi malaman ang birthday ng future asawa ko?" at naghiyawan ulit ang buong Socrates.

"Sana all!!!"
"Bagay sila! President ng room natin at President ng SSG aaaaack!"
"Penge shanghai sa kasal niyo!"

"Ayan, Zane. Future husband mo na crush mo." nag init ang magkabilang pisngi ko sa binuking ni Cassandra. Natawa naman si Zack na crush ko.

Bakit kasi ang pogi nitong crush ko? Ahh! Pa piring pa nga ulit crush!

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now