Pahingi ng Papel✔

11 0 0
                                    

"PAHINGI NG PAPEL"
📝By: Sirenna Writes/Cherry_PopKookie

"Good morning class!"

Napawi ang ngiti sa labi ko nang pumasok si miss La Rosa nang may ngiti sa mga labi. Oh my gas, helium gas! ready self sasabak ka na naman sa quiz nyo! And guess what? wala na ka na namang maisasagot!

Sa twing maganda ang aura o nakangiting pumapasok si miss sa room namin ay kasabay nito ang pa-quiz nya.

"Good morning miss.." walang ganang bati ng mga kaklase ko. Ehem, hindi lang pala ako ang nakakapansin sa susunod na mangyayari.

Halos lumabas na ang kaluluwa sa mga katawan nila nang hinampas-hampas ng malakas ni miss ang table nya at nagsalita ito ng halos pasigaw na.

"Kumain ba kayo sa mga bahay nyo bago pumasok?!"

"Yes miss!"

"Ayun naman pala ,e, alright. Get a one whole sheet of paper!"

Kasabay ng pag-anunsyo ni ma'am ay ang mabilis na tibok ng puso ko at ang pagkakahog ng mga kaklase ko, makahingi lang ng papel sa katabi.

Eto ang mahirap ,e, wala na nga akong papel. Wala pa akong maisagot sa test! Buhay nga naman oh!

"My rules will be always my rules. No cheating. Once I caught you cheating, you'll get a minus 10." Mariing saad ni miss La Rosa sa amin habang nag bibigay ng test paper sa bawat isa.

Naikagat ko ang ibabang labi ko nang makaramdam ng pagbilis ulit ng pag tibok ng puso kasabay ng kalabit ko sa katabi ko. "Pahingi ng papel..."

Tiningnan lang ako nito at bumalik ulit sa pagsagot. Myghad self! Sa susunod bumili kana ng papel mo!

Ngunit kahit na ganoon ay pakiramdam ko ay lumilipad sa kalangitan ang puso ko dahil sa pag tingin nito sa akin. Hay nako Ethan myloves!

Kinalabit ko ulit ito. "Psst Ethan!.." mariin pang bulong ko dito. Myghad krass lumingon ka!

Bahagya lamang itong natigilan ay nakasupil na ngiti sa mga labing bumalik ulit sa pagsasagot.

"Psst!.." muling bulong ko. Pipisatin ko 'yang itlog mo crush ,e! Charot!

"Ethan!" Naipikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa pagkapahiya nang namalayan ko nalang na nakatayo na ako at lahat sila ay nakatingin sa akin maging ang teacher namin. At sya.

"What's your problem miss Taña?"

Hindi ko inintindi ang tanong ni ma'am at muling ibinaling ang paningin ko kay crust, mantle at core. Charot! Kay Ethan.

"P-pahingi ako papel..."

Ang walang emosyong mga mata ni Ethan ay nag biglang kumislap sa kung anong dahilan.

"Pahingi muna ako ng papel..papel sa buhay mo, Zamira."

Mariing saad nito na nakatingin sa mga mata ko na nakapag hiyawan sa mga kaklase namin. A-ano daw?!

"E-Ethan..."

"Bago ka pa manghingi ng papel sakin, Zamira. May papel kana talaga sa buhay ko, always remember that." Nakangiting sabi nito. Crushback na ba this?!

Bago pa mapawi ng pagkagulat sa mukha ko ay nagsalita na si Miss La Rosa.

"You two will get minus 20. Puro kayo lovelife mga wala namang papel! Lañez, collect all the papers we will continue your quiz tomorrow!"

Utos ni ma'am na agad namang tumayo si Lañez na vice president namin at kinolekta lahat ng mga papel nila.

Kumindat sakin si Ethan bago binigay ang papel nya kay Lañez. Si Ethan ang President samantalang si Lañez ay vice president lang.

Bye ma! I'm getting married!

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now